Chapter 33: Friends

1.9K 52 12
                                    

AXEL

"Oh god, Z! You're so drunk!" Julian groaned as he carried her over his right shoulder. She just giggled and Julian tried to hold her in place. "Zia, 'wag kang malikot! Mahuhulog ka!"

"I've fallen already! Nahulog na ako sa'yo! Na naman! And you better catch me again, Julian!" Lalong lumakas ang hagikgik ni Zia bago siya tuluyang nawalan ng malay. Nagtinginan naman kaming lahat bago kami nagtawanan. Hiyang-hiya si Julian pero lalo lang namin siyang inasar.

"Pucha! Kadiri! Cheesefest!" nakangiwing sabi pa ni Stefan nang humupa ang tawanan. "I-uwi mo na nga 'yang si Sisa—este Zia. Matindi na tama n'yan, dude."

"Shut up, Stef!" saway ni Julian. Tinulungan siya ni Addie na i-unlock ang sasakyan niya at inupo naman nila ni Dane si Zia sa shotgun seat.

She's really drunk. Zia probably has low tolerance for alcohol or she probably drank too much. Wala rin naman kaming ideya kaya hindi namin na-control dahil ito ang unang beeses na nakasama namin sila ni Addie na uminom.

"Thanks, guys," sabi ni Julian nang ibaba niya ang bintana sa side ng driver's seat kung saan siya nakaupo. "Una na kami. I-do-drop ko pa si Zia sa bahay nila, eh."

"Sige, dude. Uwi na rin naman kami. Ingatan mo si Z!" bilin namin sa kanya.

"I will. Ingat kayo!" sagot niya at ini-start na niya ang engine ng sasakyan niya.

Kumaway na lang ang mga babae pagkatapos nilang ulitin ang pagbibilin kay Julian tungkol kay Zia at tuluyan nang umandar ang sasakyan niya palabas ng parking.

"We should all get going," sabi naman ni Kevin. Idiniretso niya ang hawak naming si Ethos at bumaling siya sa sasakyan nito. "This guy's hella drunk, too. How is he going to drive?"

"I'll take it from here, Kev. Thank you," grateful na sabi ni Addie at siya ang pumalit sa pwesto ni Kevin para alalayan si Ethos sa kanang side nito. "I should drive him back to his place."

"You'll drive his car, Adds?" tanong ni Dane at tumango si Addie habang hawak niya ang susi ng sasakyan ni Ethos.

"But it's already late. You shouldn't be driving," concerned na sabi naman ni Sophie.

"Kaya ko naman, Sophie. It's okay," paninigurado ni Addie. "I just need help in getting him inside his car."

"I'll help," I volunteered since I'm already supporting Ethos' left side.

I don't know why he drank too much but Ethos is not really a talker when he's drunk so he stayed quiet before he eventually passed out.

"Why don't you drop Addie home instead, Axel? Kami na ni Rheigne ang bahala kay Ethos. It won't be problem since we live in the same subdivision so... what do you think?" suggestion ni Joaquin bago pa namin maipasok si Ethos sa sasakyan niya.

"Yeah, that's a good idea. Nabanggit nga ni Ethos 'yon kanina habang nag-ku-kuwentuhan sila ni Joaqs," sang-ayon ni Rheigne.

"No, I can drive. Really," pilit ni Addie at binuksan na niya ang pinto sa backseat ng sasakyan ni Ethos. "A little hand here, please?" pakiusap niya at tutulungan ko na sana siyang isakay si Ethos pero agad na isinara ni Mary ang pinto ng sasakyan.

"Addie, don't be stubborn. Axel will do it, right? You'll drop her home?" sabi pa niya at nag-a-alangan akong tumango. "Isa pa, mas convenient kung si Axel ang mag-do-drop sa'yo kasi siya lang ang babalik sa condo nila today, madadaanan niya ang bahay niyo. Sina Stefan diretso uwi na kaya out of the way ang daan nila papunta sa bahay niyo kung sa amin ka sasabay."

"But what about Ethos and his car—"

"Not a problem at all, Adds. Si Axel na ang bahala sa sasakyan ng pinsan niya. Right, man?" sabi naman ni Stefan. "And I'm sure Joaqs here knows what to do. Sila na ni Rheigne ang bahala kay Ethos."

Steal Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon