Chapter 40: Let go

2.1K 64 16
                                    

ADDIE

"Are you really okay about this?" tanong ni Axel pagkatapos ituro sa akin ng direktor kung ano ang dapat kong gawin sa music video. "If you're not comfortable with something, you can tell me and I'll ask them to change it."

"No, it's okay. Medyo kinakabahan lang ako," sagot ko.

Nakatayo kami pareho sa gitna ng grass field kung saan i-shu-shoot ang unang eksena naming dalawa. It's a flashback scene of happy memories. Ito muna ang uunahin bago ang mga solo scenes ni Axel at ang band scenes.

Hindi i-pe-play ang kanta sa shoot para raw maiwasan ang leakage kaya instrumental muna ang gagamitin. Ang Xscape, director, producer at recording staffs pa lang daw ang nakakarinig ng kanta na ginawa ni Axel. It's a top secret since it's a very special project according to them.

"Ayusin na lang natin para hindi ka na mahirapan. Let's do our best, okay?" nakangiti niyang sabi at tumango na lang ako. Kabado pa rin ako dahil bago ito sa akin.

"Okay, ready! Flashback scene take one!" sigaw ng direktor bago niya ibinaba ang clapstick ng clapboard na hawak niya. Nagsimula nang tumunog ang instrumental ng kanta ni Axel at may itinapat sa aming isang malaking fan para maging windy ang atmosphere.

"Ready?" tanong niya sa akin. Inilahad niya pa ang kamay niya sa harap ko at muli akong tumingin sa kanya bago ko ito hinawakan.

"Ready."

Nagsimula kaming tumakbo sa gitna ng grass field tulad ng instruction sa amin. I'm wearing a white flowing dress which is being swayed by the wind as we both run.

Nakababa rin ang mahaba kong buhok na nilagyan ng kaunting kulot sa dulo mg hair stylist habang suot ko ang puting flower crown.

Kailangan naming tumawa ni Axel at magmukhang masaya habang tumatakbo kaya kung anu-anong jokes ang sinabi niya para lang matawa ako. Effective naman ang ginawa niya dahil mukha raw natural ang eksena na ginagawa namin.

"Bitiwan mo 'yong kamay ni Axel habang tumatakbo pa rin kayo, Addie. Tapos maghahabulan kayo," rinig naming pag-i-instruct ng direktor.

Bibitiwan ko na sana si Axel pero na-out of balance ako at nahila ko siya sa damuhan. Naramdaman ko agad ang kamay niya sa likod ko para protektahan ako sa pagbagsak at napapikit na lang ako.

"Hi..." nakangiti niyang sabi habang hinahabol ko ang hininga ko. Nakaramdam ako ng hingal sa pagtakbo pero unti-unti rin namang kumalma ang tibok ng puso ko.

"Hi..." balik ko sa kanya nang muli kong idinilat ang mga mata ko.

Narinig namin ang tanong ng direktor kung ayos lang ba kami pero walang sumagot sa aming dalawa. Nanatili lang ang titig namin sa isa't isa at narinig ko pang tumitili si Zia.

"Keep rolling!" utos ng direktor sa mga camera men sa paligid nang makita nilang maayos naman kami pareho.

Tahimik akong nakahawak sa magkabila niyang braso habang titig na titig pa rin siya sa akin. Hinawi niya ang nagulong buhok sa noo ko at pinagmasdan niya ang mukha ko na para bang kinakabisado niya bawat parte nito.

"I missed you," malambing niyang sabi sa akin at napapikit siya nang isinandal niya ang noo niya sa akin. "So much."

Marahan kong hinaplos ang mukha niya at napapikit na lang din ako tulad niya. Nanatili kaming tahimik at muli kaming natauhan nang sumigaw ang director.

"Cut! Perfect scene! Natural chemistry!" pumapalakpak na sabi ng direktor at nagmamadali naman kaming tumayo ni Axel habang inaalalayan niya ako.

Oh no!

Steal Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon