Chapter 38: Concerned

1.9K 64 10
                                    

ADDIE

"Uy, Chelle!" tawag ko sa kaibigan ko nang makita ko siyang naglalakad palapit sa akin.

Nakaupo ako sa isa sa mga stone benches sa harap ng Plaza Mayor habang naghihintay sa dismissal ng klase niya kanina bago siya dumating.

Halos isang buwan na ang nakalipas mula nang bumalik ako rito sa Pilipinas. Ilang linggo na rin ang lumipas mula nang magsimula ang klase namin dito sa Serendipity University.

"Sina Rheigne at Mary?" tanong niya sa akin pagkatapos niyang bumeso sa pisngi ko. "Akala ko ba, sabay-sabay tayong mag-la-lunch ngayon?"

"Susunod na lang daw si Rheigne. May tinatapos pa raw silang experiment sa lab," sagot ko. "Si Mary naman, babawi na lang daw sa susunod. May quiz daw kasi sila, mag-re-review pa siya."

Third year college na ang mga kaibigan ko rito sa SU. Biology ang program ni Rheigne at si Mary naman ay Pharmacy, parehong pre-med. Si Michelle naman, kumukuha ng Accountancy. Ako lang ang nasa first year ng program na Fine Arts dahil hindi naman ako nag-aral noong nasa New York pa ako. Si Zia kasi, tapos nang mag-aral ng fashion sa Italy.

"Hm, okay. I-text na lang natin si Rheigne kung saan tayo kakain para makasunod siya. Si Mary, dadalhan naman ni Stefan ng lunch 'yon so no worries," sabi niya at tumango naman ako.

"Kasabay ba nating mag-la-lunch Xscape?" tanong ko pa. "May pasok sila ngayon, 'di ba?"

Monday, Wednesday at Friday lang ang schedule ng Xscape rito sa SU pero paminsan-minsan ay nakakasabay namin silang kumain. Puro half day ang schedule nila sa university para mag-fit sa schedule nila ng mga tapings, recordings at shoots.

Third year college na rin sila pero irregular ang status nila dahil sa busy nilang schedule. Pare-parehong Management ang kinukuha nilang lima para sa pag-ma-manage ng mga family businesses nila—which is what I've heard from the girls.

"Oo. Pati sina Joaqs at Sophie," sagot niya. "Tara na, they already picked a place where we can eat," sabi niya pa. Tumayo naman ako mula sa inuupuan ko para pumunta sa fast food kung saan naghihintay na ang mga kaibigan namin.

"Addie, Chelle, here!" tawag sa amin ni Sophie nang dumating kami sa second floor kaya nahanap agad namin ang pwesto nila. It's lunch time so the whole place is really packed with people.

"Hey..." kumaway pa kaming dalawa habang naglalakad kami ni Michelle palapit sa table na nakuha nila. Bumeso kami kay Sophie pagkatapos naming bumati sa mga boys at tumango naman sila.

"Nasa baba sina Joaqs, nakapila na. Nakita niyo?" tanong pa ni Dane sa amin pagkatapos niyang ipaghila si Michelle ng upuan sa tabi niya. Naupo naman ako sa tabi ni Sophie na napapagitnaan namin ni Kevin.

"Yup! Nagsabi na kami ng orders namin ni Addie," sagot ni Michelle at ibinaling ko naman ang tingin ko sa mga bakanteng upuan sa paligid ng table.

"Bakit sobra ng isang upuan? Sina Joaqs, Julian at Stefan lang naman ang nakita namin ni Chelle na nakapila sa counter tapos si Rheigne na lang ang hinihintay, 'di ba?" tanong ko.

I'm assuming that it's for Axel but I don't want to ask for his whereabouts. My pride won't let me since the girls will just tease me about it.

"That's for Axel, Adds. Nawala na naman bigla, eh," maikling paliwanag ni Kevin.

"I guess some things never really change," wala sa sarili kong sabi at natauhan lang ako nang sumang-ayon sila sa akin.

"Yes, Adds. Aside from the never-ending traffic situation here, Axel's disappearing habit also stayed the same," nakatawang sabi pa ni Dane at tumango na lang ako.

Steal Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon