Chapter 3: Prom date

4.5K 139 21
                                    

AXEL

"Nasa loob na ba si Kai, Manong Ron?" tanong ko sa driver namin. Nakasalubong ko siya habang naglalakad ako palapit sa sasakyan. "Iniwan mo?"

"Oo, Ser. Pasensya na kung umalis ako, iyak kasi nang iyak si Ma'am Kailyn. Binili ko lang ng tisyu," paliwanag niya bago niya buksan ang pinto sa backseat.

"Give us a minute, Manong. Sandali lang po ito."

Pumasok ako sa sasakyan at tinabihan ang kapatid ko. Nakataas ang mga paa niya sa upuan ng sasakyan, habang yakap niya ang magkabila niyang tuhod at nakasubsob do'n ang mukha niya.

"Oy!" Kinalabit ko siya at inabot ang tissue na binili ni Manong Ron para sa kanya. "Ba't ka umiiyak?" tanong ko.

"H-he... kasi... he turned me down, Kuya! Stupid boy!" humihikbi niyang sagot at muli niyang isinubsob ang mukha sa mga palad niya.

"Who?" kunot-noong tanong ko habang kumukuha ako ng tissue. Inangat ko ang mukha niya para punasan ang pisngi niya na basang-basa kakaiyak. "Tell me, who?" tanong ko ulit habang pulang-pula pa rin siya at patuloy na umiiyak.

"Si Toby! Sino pa ba?!" Pinahid niya ang mga luha niya at inagaw niya ang tissue'ng hawak ko para ipunas sa ilong niya. "I hate him! Sinabi ko sa sarili ko na hindi ko siya aayain pero ginawa ko pa rin. I asked him nicely naman, ni hindi ko naman siya hinarass unlike other girls pero tinanggihan niya pa rin ako. Unfair! Ni hindi man lang ako binigyan ng chance!" pagmumukmok niya pa.

"Sapakin ko na?" seryosong tanong ko sa kanya.

"No! I don't want you to hurt him!" saway niya at sinamaan pa ako ng tingin. "He might be stupid, but I still like him and I don't want you hurting the boy that I like."

"Ayaw mo siyang masaktan physically pero ikaw nasasaktan niya emotionally?" Umiling ako sa kanya nang hindi siya sumagot. "Unbelievable."

"You don't understand, Kuya! Kapag ba sinapak mo siya, magiging date ko siya sa prom? Hindi naman, 'di ba! So why bother?" she argued. "Ayoko na! 'Di na lang ako aattend ng prom," nakanguso niyang duktong at umiyak na naman siya.

"I could be your date?" I offered and she just rolled her eyes at me. "What?"

"Kuya naman! Syempre ayoko. Para namang last resort na 'yon, mukha naman akong kawawa," sagot niya at binato niya ang tissue na hawak niya. "I hate this Sadie Hawkins thing! God, I hate it!"

"Ako rin ayaw ko nito."

"Why?" nagtatakang tanong niya. "Nakita ko kanina kung paano kayo pinagkaguluhan, Kuya. Pinagalitan pa nga tayo ni Ma'am Sanchez sa gym 'cause most girls from the juniors and seniors are literally going crazy and your band's absolutely the main reason why they're being like that. Kunwari ka pa..."

"Kilala mo ako, Kai. I don't want the attention... especially when I am not asking for it," paliwanag ko. "At hindi magandang tignan na ang mga babae ang naghahabol sa mga lalaki. Hayaan niyong kami ang gumawa nun," duktong ko.

"I just don't get it, Kuya Axel. Bakit ganyan kayong mga lalaki? You're all so complicated!" inis niyang baling sa akin. "Kapag nagpapakipot kami, you'll tell us that we're hard to get. Kapag kami ang lumalapit, you'll tell us that we're too easy, that we're desperate. Saan kami lulugar n'yan?"

"Do not generalize us," sagot ko. "And you girls are still more complicated," depensa ko pa.

"Now I understand kung bakit Sadie Hawkins ang way ng pag-i-invite sa prom ngayong taon," seryosong sabi niya sa akin habang sumisinghot-singhot siya sa tissue na kakakuha niya lang ulit.

"Why?"

"Because maybe, it's for you guys to realize that not every girl will wait for their Prince Charming. That some girls are willing to fight for the guy they like just to make their happy ending happen," she pointed out.

Steal Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon