Chapter 48: Yours

2.3K 66 11
                                    

ADDIE

"Ang tagal naman ni Ethos..." mahina kong bulong habang yakap ko ang sarili. Nakaupo ako sa curb ng parking lot na para sa mga guests habang naghihintay sa pagbalik niya.

Nasa loob na ako ng sasakyan ni Ethos kanina at ihahatid na sana niya ako pauwi dahil ayaw ko nang tapusin ang concert pero nagpaalam siya para bumalik sa loob ng arena. May kailangan lang daw siyang kausapin bago kami umalis kaya lumabas na lang din muna ako para magpahangin.

"Ba... balik ka sa... New York?" rinig ko at bigla akong napatayo dahil sa boses niya.

Hingal na hingal siya habang diretso ang tingin niya sa akin. Iba na ang suot niyang damit at pawis na pawis na siya dahil sa suot na leather jacket.

"Axel..." mahinang sambit ko sa pangalan niya habang magkaharap kami. "A-anong ginagawa mo rito?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Addie, aalis ka ba ulit?" tanong niya nang maka-recover siya mula sa paghabol ng hininga niya.

Hindi ko alam kung ano'ng ginagawa niya rito at kung bakit hingal na hingal siya nang dumating pero hindi dapat siya nandito. Dapat ay nasa loob siya ng arena at nagpapasaya ng mga taong nagpunta rito para sa kanila.

"Bumalik ka na sa loob, people are counting on you. May concert pa kayo," utos ko sa kanya pero umiling siya sa akin.

"Ngayon natin 'to pag-usapan," sagot niya at dahan-dahan siyang lumapit sa akin kaya napaatras ako. "They can wait. The whole world can wait because you'll always come first."

Masuyo niyang hinawi ang buhok ko nang mapasandal ako sa pader at ikinulong niya ako sa mga bisig niya dahil wala na akong maatrasan pa.

"This is not the right time to talk about that, it is not important," tanggi ko at iiwas na sana ako pero ayaw niya akong pakawalan. "Let me go," pakiusap ko.

"This is important to me, you are important! And stop asking me to let you go if you love me!" he insisted. Tumaas ang boses niya pero huminahon siya nang muli siyang tumingin sa akin. "Do you, Addie? Do you love me? Please answer me..."

"Axel, you've already made up your mind and I am all for it. It's better if you'll let me go so, please? Let's stop this," pakiusap ko. Dahan-dahan niyang hinawakan ang braso ko at malungkot siyang tumingin sa akin.

"Because I thought that's what I need to do. Because I thought that is what's going to make you happy," mahina niyang sagot bago isinandal ang noo niya sa akin. "Addie, sabihin mo naman kung mahal pa ako. Sabihin mo naman, oh. Sige na."

"Para saan pa?" tanong ko at tahimik kong pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. "Para saan pa? Nasasaktan lang natin ang isa't isa. Siguro nga mas mabuti 'to. Mas mabuti kung papakawalan mo na lang ulit ako, kung aalis na lang ulit ako rito, kung wala na lang ulit tayo sa buhay ng isa't isa."

"Is that what you want?" tanong niya sa akin habang hawak niya ang magkabila kong pisngi. "Tell me, is that what you really want?" nakikiusap niyang tanong at umiling naman ako. There's no point in lying anymore.

"No... no it's not," pag-amin ko at tuluyan nang umagos ang mga luha sa pisngi ko. Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa pisngi ko at napapikit na lang ako. "This is what I want. You and me—us. But it hurts. This. Us. It's hurting not only me. It's hurting you; it's hurting Ethos."

"I love you, Addie. I love you," paulit-ulit niyang sabi sa akin. Mahigpit niya akong niyakap at isinandal ko naman ang noo ko sa balikat niya. "This is the bravest thing I ever did. To love you and to risk everything I have. Please give me another chance if I am not enough and I will prove to you that I'm more than willing to do anything. Anything for you."

"But you said... you said that you won't let me hurt you anymore, that there is someone I need and it's not you," mahina kong sabi at hinampas ko pa ang dibdib niya. "Where did you get that stupid idea? Of course I need you, I will always need you! Kahit sabihin ko pa nang paulit-ulit na layuan mo na ako, alam kong paulit-ulit lang din kitang hahanapin."

"I'm sorry, I'm sorry," pagpapakalma niya sa akin at muli niya akong niyakap. "Wala na akong pakialam, Addie. If this is going to hurt all over again, I will accept it. And if you need me, I'm here. I won't ever let go of you again. Okay lang kahit hati kami ni Ethos sa atensyon mo, iintindihin ko."

"Nasa hospital ka noong kausap ko siya?" tanong ko at naramdaman ko ang pagtango niya sa balikat ko habang yakap niya pa rin ako. "You should've stayed and listened until the end. Of course, I need Ethos because he is my friend but I need you too because I love you, Axel. And I want you to let me decide for myself. Stop sacrificing things for me. Let's compromise."

"I'm sorry, Addie. I'm sorry..."

"I understand..." malambing kong hinawakan ang pisngi niya at pinunasan niya naman ang sa akin. "I understand that you did it for my sake. So, now... will you understand if I'll ask for more time? If I'll leave this time because I think it will be what's best for us?" tanong ko at napapikit naman siya pagkatapos niyang halikan ang kamay ko.

"But I don't want you to go," sagot niya at muli niyang isinandal ang noo niya sa akin. "Why do you have to go? Do you still hate me?"

"No, I don't," malungkot akong ngumiti sa kanya at marahan kong pinisil ang kamay niya. "I don't hate you, Axel. I never did despite the hurt. But I need to go because I need to stop being scared. I need to stop being scared that I will never be enough because I want to be enough for you. You deserve that."

"But I don't need you to be more than this. You will always be enough, Addie."

"Hindi mo naiintindihan, Axel. Ako ang problema," sagot ko. "Itong puso ko, kahit mahal ka, hindi perpekto. Maraming hindi kayang ibigay, maraming magiging pagkukulang."

"I love you and everything that makes you... you. We'll make this work," paninigurado niya at hinalikan niya pa ang tungki ng ilong ko.

"Axel, it's not that easy," iling ko. "I know that we're still young, but I've always been upfront about the things that I want and what I want is to spend my lifetime with you. I don't want something that's temporary because I don't want to waste my time. With my  heart's condition, I don't even have the luxury of time. So, I'm giving you time to think if you really want this. If you're really ready for this."

"Addie, don't say that."

"Axel, I'm doing okay now. My heart is okay because of the operation and the device that they installed when I was in New York. But I still can't trust my own heart, it might give in anytime. I just don't want to be selfish."

Hinalikan ko ang pisngi niya bago ako lumingon, nakita ko si Ethos na nakasandal sa sasakyan niya at naghihintay sa akin. Muli kong tinignan si Axel at marahan kong hinaplos ang nakakunot niyang noo.

"I'm always yours, remember that. But you deserve someone who can give you everything, Axel. And if that's not me and this heart condition of mine changes your mind, I will understand. It will be okay."

"You ready to go, Adds?" tanong sa akin ni Ethos nang muli akong tumingin sa direksyon niya at tumango naman ako. Dahan-dahan akong kumawala kay Axel at muli ko siyang tinignan.

"You've waited for me. It's only fair that I do the waiting, too." Huminto sa harap ko ang sasakyan ni Ethos at pinagbuksan niya ako ng pinto. Muli kong nilingon si Axel bago ako sumakay sa loob ng sasakyan ng pinsan niya. "I'll wait, Axel. I'll wait for you."

Steal Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon