Chapter 42: Choose me

2K 64 15
                                    

ADDIE

"Bakit ang daming tao sa labas ng building niyo?" curious tanong sa akin ni Rheigne habang nakatingin siya sa direksyon ng building ng college namin.

Sabay-sabay kaming naglakad pabalik sa kanya-kanya naming buildings pagkatapos naming mag-lunch kasama sina Mary, Mechelle at Sophie. Wala na akong class pero kailangan ko pang hintayin si Ethos kaya pupunta muna ako sa mga college friends ko.

Hihiwalay na sana ako ng daan sa mga kaibigan ko pero pare-pareho kaming naging curious kung ano ang pinagkakaguluhan sa labas ng building ko kaya sumunod sila sa akin.

"Ano'ng ganap dito?" curious na tanong ni Mary sa isang babaeng taga-rito rin sa Beato—pangalan ng building naming.

"May haharanahin yatang taga-CFAD si—" Napasinghap siya at hindi na niya naituloy ang sasabihin nang lumingon siya sa amin. "Oh my gosh! Ikaw 'yong girlfriend ni Stefan, 'di ba? Tapos ikaw 'yong kay Dane at ikaw naman ang kay Kevin. Must be nice to be their girlfriends!" excited niyang sabi at binalingan niya rin sina Michelle at Sophie.

"Okay lang naman," magalang na sagot ng mga kaibigan ko at ngumiti sila bago nag-excuse si Rheigne para makipagsiksikan sa crowd nang may marinig kaming saxophone.

"Ano'ng ginagawa ng mga 'yan dito? Sila 'yong may haharanahin?" litong tanong ni Michelle nang makarating kami sa gitna ng crowd.

"Akala ko ba may exhibit sila today?" kunot-noong tanong naman ni Sophie habang nakatingin kami sa limang lalaki na nakatayo sa harap at nakasuot ng itim na suits.

"Sabi ko na nga ba," iiling-iling na sabi naman ni Rheigne. "These boys are up to something again. Hay nako! Ang titigas talaga ng ulo!"

"What do you mean, Rheigne?" tanong ko sa kanya. Nagsimula nang tumugtog si Kevin gamit ang saxophone na hawak niya at agad akong sinaway ng mga babaeng malapit sa amin dahil sa pagsasalita ko. They hushed me so they can focus with the boys.

"Just listen to the song," mahinang sagot ni Rheigne sa akin at ininguso niya ang bibig niya sa direksyon ng Xscape na sinundan ko naman.

Nagtama ang mga tingin namin ni Axel bago siya magsimulang mag-strum sa gitara niya. Sina Dane, Kevin, Julian at Stefan naman ay ngumiti sa direksyon namin bago nila itinaas ang tig-i-isang placards na hawak nila.

'I'm not giving up,' it reads.

"Matagal-tagal din nawalan ng gana, pinagmamasdan ang dumaraan ♪" panimula ni Axel nang muli niyang ibinalik ang tingin niya sa akin. "Lagi na lang matigas ang loob, sabik na may maramdaman ♪"

Nakaupo si Axel sa isang wooden stool habang nakatayo ang apat sa gilid niya at parang mga ewan na nag-se-sway habang pinipitik-pitik nila ang kanilang mga daliri.

'Di ka man bago sa paningin,
palihim kang nasa yakap ko't lambing
Sa bawat pagtago,
'di mapipigilan ang bigkas ng
damdamin ♪

Hindi inaalis ni Axel ang tingin niya sa akin kaya ako na lang ang umiwas. Ayokong makuha ang atensyon ng mga tao, ayokong bigyan nila ng kahulugan ang mga tinginan naming dalawa. Masyado lang magiging magulo ang sitwasyon namin.

"Walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga ♪"

Napapikit siya sa pagkanta at sabay-sabay namang tumili ang mga babaeng nanunuod. His charm is timeless, hanggang ngayon ay marami pa ring nahuhumaling.

"Walang papantay sa'yo ♪"

"Oh my god! Oh my god!" Kinikilig pang sabi ng babaeng nasa likod ko at lalong nagtulukan kaya napunta na kami sa harap ng mga kaibigan ko.

Steal Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon