Chapter 22: Wait

2.7K 72 3
                                    

ADDIE

"Oy!" tawag sa akin ni Kuya Brent nang lumabas ako sa kwarto. "Addie!"

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Nauna akong bumaba para kumain ng almusal at alam kong nakasunod siya sa akin pero hindi ko pa rin siya kinakausap.

"Morning, 'nay," bati ko habang abala siya sa paghahain. Pinaupo na niya ako at gano'n din ang sinabi niya kay Kuya Brent na nakatayo sa likod ko.

"Peace offering," malambing niyang sabi pagkatapos niyang ibaba ang paper bag sa harap ko. Niyakap niya ako at naramdaman ko ang mabilis na pagdampi ng mga labi niya sa buhok ko. "Bati na tayo?" tanong niya at sunud-sunod na tango ang ibinigay ko sa kanya.

Excited ko siyang niyakap dahil pamilyar na pamilyar sa akin ang paper bag na ibinaba niya sa harap ko. It's huge! Mukhang marami siyang binili para sa akin.

"Kuya, ang mamahal nito, ah?" sabi ko habang tinitignan ko ang iba't ibang kulay ng watercolor tubes na binili niya. Natawa lang si Nanay habang nakatingin sa amin. "Ito 'yung mga ubos ko na. Chineck mo 'yung supplies ko?" natutuwa kong tanong at umiling naman siya.

"Nakita ko lang 'yung list ng supplies na bibilhin mo," maikling paliwanag niya bago niya inabot ang papel sa akin. "I tried to buy everything on the list, but your supplies are expensive. Binili ko muna 'yong mga mas importante, nagtanong ako ro'n sa seller."

"Nag-i-ipon pa kasi ako, Kuya. Pero salamat dito," nakangiti kong sabi.

Naging abala na ako sa paglalabas ng mga supplies na binili ni Kuya Brent. Bukod sa watercolor tubes ay binili niya rin ako ng mga lapis, pens, erasers at markers.

"Hala, Kuya! Binilhan mo ako nitong marker na mahal!" masaya kong sabi nang bumaling ako sa kanya. Excited kong hinawakan ang dalawang markers pero agad ding kumunot ang noo ko nang maisip ko kung gaano kamahal ang nagastos niya para sa lahat ng 'to. "Saan ka kumuha ng pambili?"

"Akin na lang 'yon. Importante, may gagamitin ka na ulit," sagot niya kaya hindi ko na siya kinulit at binigyan ko na lang siya ng isang mahigpit na yakap.

"Thank you talaga, Kuya! You're the best!"

"Nanay, sabi ko sa'yo makikipagbati lang 'to kapag may peace offering ako," biro ni Kuya Brent at nagtawanan sila.

"Hoy Kuya, hindi kaya! Ikaw kasi, ang sama-sama ng ugali mo," depensa ko at inakbayan niya naman ako.

"I got scared too, you know? I've hurt you in the process of trying to protect you," seryoso niyang sabi.

"Hindi mo naman kasi kailangang gawin 'yon, Kuya. Kailangan ko rin namang matuto sa mga gagawin kong desisyon. Isa pa, hindi mo ako ma-po-protektahan sa lahat ng pagkakataon."

"But still..." pakikipagtalo niya.

"Kuya..." saway ko sa kanya.

"Fine! Basta! I'm watching you and Axel!"

"Hay nako, Kuya. Ikaw talaga," iiling-iling kong sabi bago kami bumalik sa hapag para mag-almusal. Pinitik niya lang ang noo ko bago niya ako inabutan ng kanin. "Kuya!" sita ko at tumabi naman sa akin si Nanay para lagyan ako ng juice.

"Nililigawan ka ba ni Axel, anak?" tanong niya sa akin. Kaming tatlo lang ang magsasabay na kumain ng almusal dahil nauna na si Tatay. Marami na kasing repairs sa baba.

"Hindi po, 'nay," tanggi ko.

"Hindi raw pero 'yang ngisi mo na naman, wagas!" asar sa akin ni Kuya Brent. "Halatang-halata ka, eh."

"Ano ba talaga, Adeline?" pag-ulit ni Nanay at umiling naman ako.

"Hindi nga po, 'nay. Promise!"

Steal Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon