Chapter 2: For the love

5.6K 128 8
                                    

ADDIE

"May I request the juniors and the seniors to please proceed to the gymnasium immediately."

Rinig na rinig ang announcement na 'yon dahil sa speakers sa bawat sulok ng school. Mabilis na lumakad ang mga tao sa paligid ko kaya naipit agad ako.

"Addie! Tara na!"

Hinila ako ni Kevin at inakbayan. Halos lahat kasi ay nagmamadali papunta sa gym kaya hinigpitan ko na lang ang hawak sa polo ni Pangilinan na suot ko habang nakikisabay sa agos ng mga tao.

Pinapaayos pa kami ng pila nung mga guards pero hindi na namin nakuhang makinig sa kanila dahil sa bungad pa lang ng gym ay rinig na rinig na namin ang sigaw ni Ma'am Sanchez, ang head ng high school department.

"Go to your respective sections and fall in line properly!" sigaw niya. "Hurry up! I have no time to waste!" strikto niya pang duktong.

Nakatayo si Ma'am Sanchez sa isang platform at may hawak siyang microphone. Seryoso ang aura niya at mukhang magsusungit na naman siya ngayon dahil sa gulo na nangyari ngayong umaga.

"Addie! Saan ka ba nagpunta?" bungad sa akin nina Zia.

Iniwan na ako ni Kevin para pumunta sa dulo ng pila nila ng mga boys. Kasama niya sina Pangilinan, Stefan, Julian at Dane. Ang gugulo ng hitsura nila dahil talagang pinagkaguluhan sila kanina pero ang ga-gwapo pa rin nilang tignan.

Kami naman ng mga kaibigan ko ay nasa bandang gitna sa pila ng mga babae. Ako lang ang bukod tanging mukhang kawawa sa aming lima pero masaya ako dahil amoy na amoy ko si Pangilinan sa polo niyang suot ko.

Mula pa noong first year high school, classmates na kami ng Xscape at nina Zia. Hindi naman nakakasawa 'yon dahil sa tuwing nakikita ko si Pangilinan ay buo na agad ang araw ko.

"You know, for the love!" nakangising sagot ko sa best friend ko pagkatapos naming umayos sa pila. "Kasi naman kayo, eh. Nakikibaka pa tayo kanina tapos bigla kayong nawala. Syempre ako tuloy pa rin dahil sayang ang chance!"

"Kasi naman, nasisiksik na tayo ro'n at ang init-init na kaya nagdesisyon na kaming bumalik sa room. Ang usapan namin, mamaya na lang ulit tayo lalapit sa Xscape kapag kalmado na ang lahat. Tapos no'ng lumingon naman kami, wala ka na pala," paliwanag ni Zia.

"Eh kasi nga, for the love!" pag-ulit ko.

"Pordalab, pordalab ka pa r'yan. Tignan mo nga ang hitsura mo, Adds! Mukha kang bruha," sabi naman ni Mary kaya pabiro ko siyang inirapan.

"Hoy babae, 'wag mo kong ginaganyan. Hindi mo ba alam na kahit mukha akong bruha, suot ko naman ang polo ni Pangilinan kaya 'wag ka! Winner pa rin akong bruha. Worth it!" proud kong sabi sabay hawi ng buhok ko.

Ayaw pa nilang maniwala sa sinasabi ko kaya pinakita ko sa kanila ang burda sa polo na suot ko.

"Pangilinan, Axel Theodore B." basa ko habang ipinapakita ko sa kanila kung kanino ang suot kong polo.

Tumingin sa akin ang iba naming classmates pero hinayaan ko na sila. May iba pang umirap sa akin pero masyado akong masaya kaya hindi ko na sila pinansin.

"Naks!" sabay-sabay nilang sabi at nag-high five pa kami.

Tuwang-tuwa ang mga kaibigan ko para sa akin at sinabi ko na mamaya na lang ako magku-kuwento sa kanila para detailed.

"Ganyan ang nangyayari kapag nag so-solo ang bruha," sabi pa ni Michelle. "Bakod na bakod mo si Axel, ha?"

"Palibhasa, sigurado na kasi kayo ro'n sa apat kaya inaapi niyo ako," madrama kong sabi pero alam naman nitong mga kaibigan ko na nagbibiro lang ako. "Isa pa, kailangan ko talaga siyang bakuran. Sabi nga sa isang movie... maraming snatcher, baka maagawan ako," katwiran ko pa at nagtawanan kami.

Steal Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon