Chapter 49: Pathetic fool

2.3K 73 18
                                    

AXEL

"She said she'll wait for you?" tanong ni Stefan pagkatapos i-serve ng isang staff ang mga orders namin. Kinuha ko ang isang baso ng whiskey na nasa table at inabot ko naman kay Rheigne ang order niyang Jack Coke.

Sa Midas ginanap ang after party para sa concert namin, isang sikat na nightclub sa Taguig. Sa isang private sky box kami nanatili ng mga kaibigan ko habang pinapanuod namin ang mga sumasayaw sa dancefloor na nasa first floor.

"That's what she told me before she left with Ethos," sagot ko.

"Siya ang aalis pero siya ang maghihintay sa'yo?" nalilitong tanong ni Joaquin habang hawak niya sa baywang si Rheigne na nakayakap naman sa kanya. Tumango lang ako at nagsalin muli ng whiskey sa baso ko.

"That means she wants you to fight for her," Julian pointed out. Kinuha niya ang gin and tonic na order ni Zia at sinasayawan siya nito habang umiinom silang dalawa. "O baka gusto niyang sumunod ka sa New York?"

"Nah, maybe that's not what she means. Maybe it is what it is," sabi naman ni Mary. She picked up her martini from the table and sat on Stefan's lap. "Right, baby?"

"I think so, too. Maybe Addie really wants you to think this through. Baka ang ibig niyang sabihin... maghihintay siya sa'yo, ikaw at walang iba, habang nagdedesisyon ka tungkol sa inyong dalawa," paliwanag pa ni Stefan pagkatapos niyang sumang-ayon sa girlfriend niya.

"But I don't want her to wait," sagot ko. "I'm sure about her, man. My decision is final. It's her, it will always be her."

"Then tell her, show her. Don't let her leave," sabi naman ni Dane pagkatapos niyang halikan ang balikat ni Michelle na umiinom ng margarita sa tabi ni Sophie.

"It's not that easy, dude. She's not only giving me time, she's also asking for her own time so she can think, for her to be sure about this. Because according to her, she's scared that she will never be enough," paliwanag ko. "But goddamn, she's enough. More than enough for me. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa 'tong maging problema, eh. Akala ko kapag sinabi kong mahal ko siya, tapos mahal niya rin ako, okay na. Pero hindi. Tang ina."

"Akala ko ba naiintindihan mo si Addie?" balik naman ni Kevin sa akin.

"Naiintindihan ko, Kev. Pero pwede namang wala nang ganito. Pwede namang hindi na siya umalis. Bakit kailangan niya pang lumayo?" sagot ko pagkatapos kong magsalin ng whiskey sa pangatlong baso ko. "Ilang taon na naman siyang mawawala."

"Ang mahalaga, alam mong mahal ka niya at alam mong hihintayin ka niya," sabi naman ni Rheigne. "Syempre, kailangan ding i-sort out ni Addie ang feelings niya. 'Yung sakit niya. Minsan kasi, hindi sapat na mahal niyo lang ang isa't isa. Maraming takot si Addie, Axel. I think she wants to conquer those things first by herself. Isa pa, hindi mo siya masisisi. Shaky ang foundation niyo. Ni hindi man lang kayo nag-start sa friendship, mutual understanding agad. Kinilala mo man lang ba si Addie? Kung oo, sapat ba?"

"Alam ko naman 'yon, Rheigne. That's why I'm willing to make up for everything," huminga ako nang malalim at napailing. "Kahit gaano katagal, kahit sa paanong paraan. Pwede naman 'yon kahit hindi na siya umalis, 'di ba? Para mas marami kaming oras, para mas makasama ko siya."

"Well, you have to respect her decision," sabi naman ni Sophie pagkatapos niyang kunin ang bagong dating na margarita. "You are both an amazing person, Axel. You both deserve to be happy. Pero kung sa tingin ni Addie hindi pa siya handa, hayaan mo muna siyang mag-isip."

"I agree," sang-ayon ni Michelle. "Patience, big guy. You and Addie will have your time, I'm sure. But right now, you both have some things to sort out."

Steal Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon