ADDIE
"Mutual understanding? Teka, teka... paano!? Bakit ang bilis?" sunud-sunod na tanong ng mga kaibigan ko.
Hinila nila ako patungo sa comfort room pagkatapos ng flag ceremony. Ni-lock pa nila ang pinto kaya solong-solo namin ang banyo.
"Ano namang mahirap paniwalaan do'n?" Pabiro ko silang inirapan sabay hawi ng buhok ko. "Isa pa, anong mabilis do'n? First year high school pa lang tayo, gusto ko na siya. Fourth year high school na tayo ngayon. Four years in the making 'to."
"Gaga! Ang ibig naming sabihin, bakit parang ang bilis naman ng change of heart ni Axel?" tanong naman ng best friend ko.
Kinuha niya ang compact powder sa bulsa niya at maarte niyang nilagyan ng pulbos ang magkabila niyang pisngi.
"Hindi naman mabilis, ah? Four years kong tinrabaho 'yon 'no," sagot ko.
"Kakasabi mo nga lang, 'di ba? Four years. And in that four years, ngayon lang siya nagpakita ng motibo. Bakit biglaan?" tanong niya pa.
"Baka naman ngayon lang siya nagkaro'n ng realization. Pwede naman talagang magbago ang feelings, ah?" depensa ko.
"Kung sabagay..." sagot na lang niya. "Basta 'wag ko lang makita na pinagtitripan ka niya, ako talaga makakalaban niya," pagbabanta pa ni Zia.
Natawa na lang ako sa pagiging protective niya pero na-appreciate at naiintindihan ko 'yon dahil best friend ko siya.
"Maiba ako... ano'ng gayuma ang pinainom mo sa kanya, girl?" tanong naman ni Mary kaya binatukan ko siya.
"Wala ka bang tiwala sa kagandahan ko? Ang sakit mo magsalita, ha!"
Nagtawanan kaming lima pero agad din namang natigil 'yon nang magsalita si Rheigne.
"But no... seriously, Adds? Ang bilis," seryosong sabi niya habang pinupunasan ang eyeglasses niya. "You know what they say... what comes easy won't last, what lasts won't come easy."
"Napaka-nega niyo naman, friends! This is it na nga, oh. Aayaw pa ba ako? Ang tagal ko kayang hinintay nito," katwiran ko sa kanila habang nagsusuklay.
"Nagpakipot ka man lang ba?" tanong naman sa akin ni Michelle.
"Syempre..."
Bago ko pa maituloy ang sasabihin ko, dinuktungan na niya agad 'yon.
"Syempre... hindi?"
Nagtawanan ang mga bruha kaya muli akong umirap nang pabiro sa kanila.
"Kaunting suporta naman d'yan, girls!" sabi ko pa at sumeryoso naman sila.
"Alam mo Adds, sinusuportahan ka naman namin. Syempre, gusto namin masaya ka," maingat na sabi ni Zia.
"Pero syempre, ayaw ka rin naman naming masaktan," duktong ni Mary.
"Ibang level na kasi 'yang sa inyo ni Axel ngayon," dagdag pa ni Rheigne. "Hindi na 'yan crush-crush na lang, nagpapakita na rin kasi siya ng motibo."
"I agree! Bonggang-bonggang ibang level na talaga kayo, Addie. Kaya sana, mas maging maingat ka sa puso mo ngayon," paalala naman ni Michelle.
"Naiintindihan ko naman na concerned kayo sa akin at nagpapasalamat ako dahil nand'yan kayo," paninigurado ko sa kanila. "Pero kung sakaling masaktan man ako ni Axel, na hindi malabong mangyari, tatanggapin ko 'yon."
"Well..." Nagkatinginan silang apat at sabay-sabay pa silang bumaling sa akin. "Ano pa nga ba? Wala naman talaga kaming magagawa kung hindi ang suportahan ka sa happiness mo," sabi ni Zia at yumakap na lang ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
Steal Your Heart
Ficção AdolescenteSerendipity Series III: Axel is Addie's favorite headache and heartache rolled into one. And her mission in life? To steal his heart no matter what.