Chapter 36: Coffee

1.9K 59 3
                                    

ADDIE

"Adds?" tawag ni Kuya Brent nang sumilip siya sa bintana mula sa kwarto niya. In-unlock niya ang window grills na harang nito at dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin bago siya napuo sa tabi ko.

Parehong may daan mula sa mga bintana ng kwarto namin ni Kuya Brent patungo rito sa ibabaw ng bubong. Madalas kaming tumambay rito noon kapag gusto namin ng tahimik na lugar para makapag-isip-isip.

"Ba't gising ka pa?" tanong niya nang ibaba niya sa tabi niya ang canned beer na iniinom niya. "Tulog na sina Zia?"

"Hindi ako makatulog," sagot ko. "Sina Zia nakatulog habang nanunuod kami ng movie. Mga lasing na rin kasi 'yon."

Nag-inuman pa sila nang dumating kami rito sa bahay. May dala silang vodka kaya pare-pareho nang tulog ang mga kaibigan ko ngayon. Ako, red wine lang ang pwede sa akin kaya hindi ako nakipagsabayan sa kanila.

"Bakit hindi ka makatulog? Are you not feeling well?" nag-a-alala niyang tanong at agad naman akong umiling.

"I'm okay," maikling sagot ko habang pinaglalaruan ko ang kwintas na suot ko. It's the necklace from Axel. "I'm okay, Kuya. Don't worry."

"You don't wanna talk about it?" tanong niya at tumango naman ako. "Okay, we'll not talk about it."

Sabay kaming natahimik ni Kuya Brent kaya isinandal ko na lang ang noo ko sa pagitan ng tuhod ko habang iniinom niya ang beer na hawak niya.

"Adds, I love you and you know that, right?" seryosong sabi niya at nag-angat naman ako ng tingin sa kanya.

Kuya Brent's still Kuya Brent. He's still looking out for me but we've been talking less these past few days because I hate how he always brings up Axel in our conversations.

"Sobrang love mo nga ako kaya lahat ng lalaking nagugustuhan ko, inaaway mo," nakatawang sabi ko.

"Hindi ko naman sila inaaway," depensa niya at napailing na lang ako.

"Talaga ba, Kuya?" asar ko pa at nagbuntong-hininga naman siya.

"Okay, fine. I admit that I get overprotective at times," pag-amin niya. "But I do that because I just want what's best for you."

"Kuya... you have to trust me in making these choices because that's how I'll learn," sagot ko naman. "Isa pa, Ethos is a really good guy. Give him a chance."

"Wala ka namang naririnig sa akin nitong mga nakaraan tungkol sa inyo, 'di ba?"

"Wala nga pero 'yong pakikitungo mo sa kanya, cold pa rin. Can you please be at least civil to him, Kuya? He's really trying to reach out..." pakiusap ko at tumingin lang siya sa akin. "Come on. Please? Birthday gift?"

"Fine," sagot niya. "But don't expect us to be best of friends, okay?"

"Thank you, Kuya," ngumiti ako sa kanya at inakbayan niya naman ako.

"I won't give you that as a lame birthday gift, though. Here," dumukot siya sa bulsa niya at inilabas niya ang isang susi ng sasakyan.

"Shit, Kuya. Totoo ba? You're giving me a car!?" excited kong sabi at agad siyang humalakhak.

"I hate to break it to you but no, silly. Your gift is inside my car," nakatawa niyang sabi at ipinatong niya ang susi sa palad ko bago niya ito isinara. "You know how to drive, right? You can have my car for the whole night if you want."

"Saan naman ako pupunta?" kunot-noong tanong ko.

"This is his condo unit's address," sabi pa niya nang i-abot niya sa akin ang isang piraso ng papel. "He still likes you, Addie. And I know you can feel it too that's why you cried earlier while he was singing."

Steal Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon