ADDIE
"Addie, nakapagpasukat ka na ng gown?" tanong sa akin ng best friend kong si Zia habang nagsusulat siya sa white cartolina ng group namin.
May reporting kami sa English subject namin tungkol sa bagong story na i-di-discuss sa klase kaya gumagawa kami ng visual aids.
"Sinamahan ako ni Nanay nung weekend," sagot ko habang kinukulayan ko ang isa sa mga illustrations para sa report namin.
Isang linggo na rin ang nakalipas mula noong sinumpong ulit ako at dumalaw sina Axel sa bahay. Isang linggo ko na ring hindi kinikibo si Kuya Brent dahil hanggang ngayon ay may tampo pa rin ako sa kanya.
"Aabot pa kaya 'yon? Almost three weeks na lang, ah?" tanong sa akin ni Zia habang patuloy siya sa ginagawa niyang pagsusulat. Siya talaga ang palaging assigned sa mga ganito dahil maganda at malinis ang handwriting niya. Siya rin ang secretary namin sa klase.
"Ready-made naman ang pinili ko dahil kulang na nga rin sa time kung magpapa-custom-made pa. May pinabago lang kami ni Nanay ng kaunti para mag-standout pa ang gown," paliwanag ko. "Ikaw, Z? Kumusta 'yong pinapagawa mong gown?"
"Binalikan ko nga kahapon para sa fitting. Okay na ang gown ko, actually. Kaunting bead work na lang at final touches," sagot niya.
"Excited na nga ako, eh!" masaya kong sabi. "Ang bilis ng araw, 'no? Malapit na talaga ang prom."
"Yieee! Excited ka lang kasi si Axel ang partner mo..." tukso sa akin ni Zia.
"Kaya nga, Z! Bonggang-bongga siguro 'tong si Addie sa prom," dagdag ng isa sa mga ka-group naming si Joyce.
"Hindi naman. I just want to look classy this time unlike last year which was too simple and plain," nakangiting paliwanag ko.
"Ang sabihin mo, mega effort ka this time dahil si Axel na ang partner mo. You went solo last year, right?" May panunukso pa sa tingin ni Mira kaya tinawanan ko na lang siya.
"Well..." Nagkibit-balikat na lang ako at muli kaming nagtawanan.
After that short chit-chat with my group mates, ipinagpatuloy na namin ang ginagawa namin para makapag-practice pa kami ng mga kailangan naming i-discuss sa harap.
Nang matapos ang preparation time namin para sa reporting, bumalik na kami sa mga proper seats namin dahil may ilang inputs pa raw sa topic si Sir Geronimo bago kami magsimula.
"Ano'ng hitsura ng gown mo? I heard you talking about it earlier," bulong sa akin ni Axel kaya hindi ako masyadong makapag-focus sa itinuturo ng teacher namin.
"Nag-text ako sa'yo kagabi, 'di ba? I told you it's champagne in color," mahinang sagot ko habang hindi inaalis ang tingin sa board.
"No, not the color. 'Yung hitsura nga, ano? Mahaba? Kita ba ang likod mo? Baka masyadong mababa kung tube? 'Yung ano m—"
"Alam ko naman kung ano ang mga bawal. Nakalimutan mo na ba? I am the Student Council's Vice President, I should know. So rest assured na kung ano man ang isusuot ko, it's just proper for the event, okay?" paninigurado ko sa kanya at tumango naman siya.
"That's good to hear," nakangiti niya pang sabi. "Should I get the same color or any color basta mag-co-compliment sa color ng gown mo? Gusto mo bang sumama kapag naghanap kami ni Mommy ng suit?" tanong pa niya at umiling naman ako.
"I like the idea na same color ang gown ko at suit mo pero baka naman pangit tignan kapag tabi na tayo, 'di ba? Any color will do. Or sa necktie na lang para mas okay tignan," sagot ko. "Tsaka 'wag mo na akong isama. I am sure that Tita Alex will know what to do."
BINABASA MO ANG
Steal Your Heart
Teen FictionSerendipity Series III: Axel is Addie's favorite headache and heartache rolled into one. And her mission in life? To steal his heart no matter what.