Chapter 13: Real

3.4K 117 26
                                    

AXEL

"Dude, what are you holding?" tanong ni Dane habang tinitignan ang hawak kong box. "Parang nakakapagtaka naman na kinuha mo 'yan tapos 'yong mga sulat, binalewala mo na naman. This is the first time na may in-entertain ka, ah?" duktong niya.

"Galing kay Addie," kibit-balikat kong sagot pagkatapos kong kunin ang mga libro'ng kakailanganin para sa klase.

Hinayaan kong mahulog sa sahig ang mga papel na araw-araw isinisiksik ng kung sinu-sino rito sa locker ko bago ko 'yon isinara. Mayro'n ding natatanggap ang apat kong kaibigan na palagi naman nilang itinatago pagkatapos nilang basahin. Sayang daw kasi kung mababalewala lang ang pinaghirapan ng mga sumulat.

Well, as for me, I just don't see the point in that. Kung importante talaga 'yon, dapat ay sa personal na lang nila sabihin at hindi sa sulat. Masyado lang talagang sentimental itong apat.

"Ohhh..." sabay-sabay na reaction nina Julian, Stefan at Dane habang nakangisi. Si Kevin ay tahimik lang habang kinukuha ang mga libro niya.

"Paano niya nailagay 'yan sa loob ng locker mo? Hindi naman 'yan basta-basta na-i-susulot sa locker tulad nung mga sulat, ah?" tanong pa ni Julian habang kinukuha niya ang mga sulat na nasa loob ng locker niya. "Woah, may tickets pa nung soccer game na gusto kong mapanuod. Nice!" sabi niya pa habang iniisa-isa ang mga hawak niya.

"Si Addie-das pa ba? Siguradong alam niya ang code ng lock ni Axel kaya niya nabuksan," natatawang sabi naman ni Stefan at itinuon na niya ang pansin niya sa ticket na hawak ni Julian. Pareho kasi silang mahilig sa soccer. "Dalawa naman 'yan, Juls. Akin na lang 'yong isa!"

"Aayain ko si Zia, baka gusto niyang manuod," sagot ni Julian sa kanya.

"Hindi naman mahilig ang mga babae sa ganyan. Tayong dalawa na lang ang manuod!" pakikipagtalo ni Stefan.

"Well, my girlfriend is different. She's a fan so..." Nagkibit-balikat na lang si Julian habang kinukulit pa rin siya ni Stefan. Nawala ang atensyon ko sa kanilang dalawa nang tumabi sa akin si Kevin at nagsalita.

"You're lucky because she exerts too much effort on you," seryosong sabi niya sa akin. "H'wag mong sayangin."

"I know what I'm doing, Kev," sagot ko at tinapik ko na lang ang balikat niya. "Mauna na ako taas," paalam ko at nauna na akong umakyat sa room.

Alam kong may gusto si Kevin kay Addie. It's obvious but our friends seem to remain oblivious to it because of Rheigne. They're best friends, all right. Pero hanggang do'n na lang 'yon dahil may iba rin yatang gusto si Rheigne. Narinig ko 'yon habang magkausap sila ni Addie sa tabi ko no'ng minsan.

Dire-diretso akong pumasok sa room at siya agad ang una kong nakita. Maaga pa naman kasi at mukhang kami palang ang tao rito sa loob ng classroom.

"Good morning," bulong ko sa kanya. Nakasubsob siya sa desk niya kaya nang i-angat niya ang ulo niya ay agad 'yong tumama sa baba ko.

"Ow..." daing ko.

Muntik ko nang mabitiwan ang mga gamit na dala ko pati na ang box ng hopia na bigay niya. Mabuti na lang at hawak ko 'yong mabuti kaya ibinaba ko na muna ang mga hawak ko sa desk.

"Hala! Nasaktan ka ba?! Is it bleeding!?" natataranta niyang tanong pagkatapos niyang ibaling ang mukha ko sa direksyon niya para tignan kung may sugat ako. "Sorry, Axel. Nagulat kasi ako," paliwanag niya at nakita ko ang paglunok niya nang magsalubong ang mga titig namin.

"Are you tired? Parang hindi ka nakatulog kagabi," tanong ko habang nakatitig pa rin kami sa isa't isa. Malapit ang mukha niya sa akin kaya bumaba ang tingin ko sa mga labi niya.

Steal Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon