AXEL
"You're oddly quiet today. May problema ba?" nag-a-alalang tanong ko kay Addie habang tahimik siyang kumukuha ng mga materials sa box.
Naibaba na namin ang mga donasyon na dala namin kanina nang sinalubong kami ng mga madre. Naipakilala na rin kami sa mga bata at ngayon ay naghahanda naman kami para sa mga activities na gagawin mamaya.
"Medyo inaantok lang," sagot niya.
Nauna siyang maglakad papunta sa activity hall kaya mabilis ko siyang sinundan. Kinuha ko ang dala niyang mga materials at sinabayan ko siya sa paglalakad.
"You sure?" tanong ko ulit. Naupo kami sa vacant seats na natira sa long table kung saan nakaupo ang mga kaibigan namin. "Pahinga ka muna sa sasakyan?" sabi ko pa at agad siyang umiling.
"You worry too much," nakangiting sabi niya sabay pisil sa ilong ko. "I'm okay, I promise."
"Hindi ako naniniwala," kunot-noong sagot ko. "Something's bothering you, I can tell."
Addie's not the quiet type, that I could tell you. Kaya sigurado akong may hindi siya sinasabi sa akin.
"Alam mo Axel, tulungan mo na lang ako rito. Tanggalin mo 'yung sketches ng mga bata r'yan sa mga sketchpads nila para ma-i-display natin mamaya ang mga artworks nila," pag-iwas niya at inabala niya ang sarili niya sa paggawa ng strings na sasabitan ng mga artworks.
"Addie..."
"Axel..." huminga siya nang malalim bago niya ako tinignan. "Kaya ko. H'wag kang mag-alala sa akin. Let's just focus with the activities for today, okay?"
"Fine," tumango ako at nagpakawala ng buntong-hininga. "I won't push it anymore but just know that you can trust me. You can tell me anything, Addie."
"It's not that I don't trust you, Axel. But this is really nothing," malambing na sagot niya at marahan niyang pinisil ang kamay ko. "Tara na sa mga kaibigan natin. I think they're discussing something," aya niya.
Nakita kong sama-sama ang mga kaibigan namin sa gilid at mukhang may pinag-u-usapan sila tungkol sa activities mamaya. Lumapit kami ni Addie sa kanila at naghila ako ng dalawang upuan.
"Okay na kayo?" tanong sa amin ni Zia.
"Hindi naman kami nag-a-away, ah?" depensa ni Addie.
"Para kasing may pinag-u-usapan kayong seryoso kanina kaya hindi na namin kayo inistorbo," sabi naman ni Mary.
"Wala 'yon," sagot ko nang tumingin sa akin si Addie. Bumaling ako sa mga kaibigan namin at iniba ang usapan. "Ano na bang gagawin?"
"Hati-hatiin natin ang activites for today pati ang mga bata. Magkakaro'n daw kasi ng program next month sabi nina Sister Luz kanina noong nagpunta kayong dalawa sa storage room," paliwanag ni Rheigne. "So, we decided na ang Xscape ang magtuturo ng music. Ako naman at si Chelle, sa sayaw. Sina Mary at Zia, magtuturo raw ng maikling skit. Si Addie, itutuloy ang art lessons niya dahil magkakaro'n ng gallery para i-display ang gawa ng mga bata."
"Bakit mag-isa lang si Addie?" tanong ko.
"That's fine with me," nakangiting sagot naman niya sa tabi ko. "Kaya ko na 'yon."
"Sanay naman si Addie, Axel," sagot ni Michelle.
"You could join her if you want, bro. Kaya na namin ang pagtuturo ng music. Apat naman kami," sabi naman ni Julian.
"Nakita mo na ba ang mga drawings at paintings ni Addie, dude? She's good. Really good," puri pa ni Kevin at umiling lang ako.
I know that he's not trying to boast with his tone but I feel jealous. May alam siya kay Addie na ngayon ko lang nalaman.
BINABASA MO ANG
Steal Your Heart
Teen FictionSerendipity Series III: Axel is Addie's favorite headache and heartache rolled into one. And her mission in life? To steal his heart no matter what.