AXEL
"Baka naman mabali ang leeg mo kakalingon, dude?" natatawang bulong sa akin ni Stefan pagkatapos niyang maupo sa bakanteng upuan na nasa kanan ko.
Sa kanan naman niya ay si Kevin na kanina pa tahimik. Nandito kaming mga seniors sa auditorium kasama ang mga juniors para sa seminar tungkol sa prom. This was supposed to happen last week but it didn't push through because of the commotion that happened.
"Shut the hell up," angil ko pero mapang-asar lang siyang ngumisi sa akin.
"There she goes," sabi naman ni Julian.
Katabi ko siya sa kaliwa at itinuturo niya sa akin si Addie na kasamang naglalakad si Toby paakyat sa stage. Sa tabi ni Julian nakaupo si Dane kaya pati siya, napatingin kay Addie.
"Sasandali pa kayong nagkakahiwalay ni Addie, ah? Kailan ka pa naging clingy?" nang-a-asar niyang sabi kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Isa..." banta ko pa pero tinawanan niya lang ako. "Kaya ayokong nag-ku-kuwento sa inyo, eh. Mga gago kasi kayo," sabi ko at nag-apir lang silang tatlo.
"Oh Kev, ba't parang hindi ka yata nakikisali sa amin?" puna naman ni Dane nang mapansin niya na tahimik pa rin si Kevin at nakatingin lang sa stage.
Sinundan naming apat ang tinitignan niya at nakita namin na kay Addie pala nakatuon ang atensyon niya.
"H-ha?" wala sa sariling sagot ni Kevin nang lingunin niya kami. "Ano'ng sabi mo, Dane?" tanong niya pa kaya nagpalitan agad ng tingin sina Dane, Stefan, at Julian.
"Mukhang may pinagdadaanan ka, dude? Papainom ka ba mamaya sa bahay niyo?" makahulugang biro ni Stefan sa kanya at nakisulsol pa si Dane.
"Heartbroken?" tawa pa nilang dalawa.
"Tang ina, tigilan niyo ako," seryosong sabi ni Kevin.
Pumagitna agad si Julian na madalas nag-ba-balanse sa grupo sa tuwing may pinag-a-awayan kami.
Mainit agad ang ulo ni Kevin at bago pa mabawi nina Dane ang pang-a-asar nila ay bigla na lang siyang nag-walk out.
"Ay, nagalit..." parang bata na sabi ni Stefan at napailing na lang ako sa kanya.
"Gago ka rin kasi! Halata namang wala sa mood, inasar mo pa," dismayadong sabi ko. Ayokong isipin ni Kevin na ginagago namin siyang apat.
"Eh, bakit ba bigla na lang nawala sa mood ang isang 'yon?" tanong naman ni Dane. "Siguro, masama ang gising," sagot niya pa sa sarili niyang tanong at nakuha naman ni Julian ang atensyon namin nang magsalita siya.
"Sinasabi ko na nga ba..." iiling-iling na sabi niya at sabay namang kumunot ang noo nina Dane at Stefan.
"Pero si Rheigne... teka, ang labo..." naguguluhan pa nilang sabi at nagsalita na rin ako para matapos na ang usapan.
"This is not the right place and the right time to have this discussion," saway ko sa kanilang tatlo. "Isa pa, sa tingin ko, kami muna dapat ni Kev ang mag-usap."
"I agree with, Axel. Tutal, mukhang sila naman talaga ni Kev ang may problema," sabi naman ni Julian.
"Well... at least explain to us what's happening," sabi naman ni Dane. "May ideya ako pero nalalabuan pa rin ako."
"Kina Axel at Kevin 'yan dapat manggaling," sagot ni Julian sa kanya. "Hayaan na muna natin silang dalawa."
"Hahayaan na lang natin na galit si Kev?" tanong naman ni Stefan.
"Ikaw nga ang nag-provoke, eh!" sabi naman ni Dane sa kanya.
"Malay ko ba!" depensa ni Stefan. "Tsaka, ikaw rin kaya nakisali."
BINABASA MO ANG
Steal Your Heart
Teen FictionSerendipity Series III: Axel is Addie's favorite headache and heartache rolled into one. And her mission in life? To steal his heart no matter what.