Chapter 11: Definite answer

3.3K 109 15
                                    

AXEL

"Timotheo! Sinasabi ko sa'yo, ha? 'Wag mong painumin ng sobra 'yang si Axel!" kabilin-bilinan ni Mommy kay Daddy habang ibinababa niya ang mga pagkain na dala niya sa table na naka-setup sa garden. "Tignan mo 'yang si Leon, sanay na sanay na," iiling-iling pa niyang sabi at tumawa lang ang kapatid ko.

This is how we spend our Friday nights from time to time. Si Dad ang may gusto nito para raw nakakapag-kuwentuhan kami tungkol sa mga bagay na kaming tatlo lang ang nakakaintindi.

Mas okay rin 'to sa kanila kaysa raw nagtatago kami at patakas na umiinom sa ibang bahay. Our parents are pretty cool, huh.

"May rule kami ni Axel, Hon. Two beers and that's it," sagot ni Dad kay Mommy at yumakap pa siya sa baywang nito. "Alam mo naman 'yon, 'di ba? Isa pa, as long as my sons know their limits, wala kaming magiging problema."

"Kahit na! Baka masobrahan kayo ngayong gabi," sabi naman ni Mommy at humarap pa siya sa amin ni Kuya Leon na abalang nagbubukas ng chips. "Kayong dalawa ha, be responsible. Kapag ang daddy niyo ang nalasing, iwan niyo rito sa labas," bilin niya at tumawa lang kami ni Kuya.

"Kay naman..." kunwaring nagtatampong sabi ni Dad bago niya isinubsob ang ulo niya sa pagitan ng leeg at balikat ni Mommy. "Ang bango mo na naman, ah? Palagi na lang."

"Dad! Ano na? Iinom ba tayo o papanuorin na lang namin kayo?" biro ni Kuya Leon at hinampas naman ni Mommy ang braso niya.

"Papasok na nga ako," sabi pa niya kaya humalik na kami sa pisngi niya at nag-good night. Sa room siya ni Kailyn matutulog ngayong gabi, girl bonding daw. "Good night! Magligpit, ha? 'Wag niyo nang istorbohin sina Manang."

"Yes, 'My," sagot ni Kuya Leon.

Si Daddy naman, humabol pa sa kanya dahil kulang pa raw ang kiss ni Mommy sa kanya. Tsk! Adults in love.

"Anak, may itatanong pala ako sa'yo," sabi ni Dad sa akin nang makabalik siya sa pwesto niya.

Kumuha pa siya ng tatlong canned beers sa cooler at inabutan niya kami ni Kuya Leon ng tig-isa.

"Shoot, Dad," sagot ko.

Binuksan ko ang beer na hawak ko at tumingin naman sila ni Kuya Leon sa akin.

"Ikaw ba'y sigurado sa sinabi mo kanina habang nag-di-dinner tayo? 'Yung pagbakod mo?" seryosong tanong ni Dad at nag-react naman si Kuya Leon.

"Oh, I like where this is going..." sabi niya pa.

Umiling lang ako sa kanya bago bumaling kay Dad.

"I... I don't know, Dad. Nalilito pa ako," pag-amin ko bago ininom ang beer.

"Gaano ba katibay ang bakod na Axel Theodore, bro?" natatawang tanong naman Kuya Leon pagkatapos niyang uminom.

Nakapalibot kaming tatlo sa isang mesa at napapagitnaan namin si Dad pero ang atensyon nilang dalawa ay sa akin nakatuon.

"No, Kuya. Stop it," saway ko at binato ko pa siya ng mani na nakalagay sa bowl.

"What? 'Di ba ikaw ang bakod na tinutukoy mo?" nakangisi niyang tanong na para bang kahit hindi ako sumagot ay alam na niya. "Ibig sabihin, binabakuran mo na si Addie? You must be serious, then? About her, I mean."

"I don't even know why I said that," sagot ko at seryoso naman ang tingin ni Daddy sa akin.

"Then you shouldn't have said that in the first place," sabi niya pa. "It will confuse Addie in the long run, anak. Iisipin niya, ginago mo lang siya, pinapaasa."

Steal Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon