Chapter 19.1: Secret admirer

3K 91 2
                                    

AXEL

"Sigurado ba tayo sa ginagawa natin?" tanong ko sa mga kaibigan ko habang nakaupo ako sa second row ng SUV nina Stefan.

Katabi ko si Dane at si Julian naman ay nasa third row kasama ang bunsong kapatid ni Stefan. Si Tito Seph ang maghahatid sa amin ngayon at katabi niya naman si Stefan sa passenger seat.

"Nakasakay ka na nga sa sasakyan, ngayon ka pa magtatanong kung sigurado tayo? Aba, ang husay!" sarkastikong sabi ni Dane habang abala siyang um-a-attack sa nilalaro niya. "Uy, Stef! ikaw na um-attack ng katapat ni Kev. 'Di pa siya um-a-attack eh ilang oras na lang matatapos na ang war," duktong niya pa.

"Eh 'di bababa na ako," seryosong sabi ko pero hinarangan agad ako ni Julian.

It's Friday night. Gabi pa ang leadership camp bukas kaya pinayagan ako'ng umalis nina Mommy. Isa pa, talagang papayagan kami dahil si Tito Seph ang sumundo sa amin. Nag-a-alangan lang ako dahil kina Kevin kami pupunta ngayon, baka magkapikunan lang kami lalo dahil mukhang hindi pa rin siya okay sa amin.

"Oh come on, don't be stupid. We're almost there," sabi niya pa at agad siyang sinaway ni Stefan.

"Oy! 'Yung kapatid ko, nakikinig!" paalala niya pa habang nakatingin kay Nikki na nakaupo sa lap ni Julian at naglalaro ng manika. "Nikki, do not repeat that word, ha? It's a bad word, it's not nice," sabi naman ni Stefan sa kapatid niya at tinakpan pa ni Julian ang tenga ni Nikki pagkatapos nitong inosenteng tumango sa kuya niya.

"Makapangaral ka sa kapatid mo, akala mo walang masasamang bagay na lumalabas d'yan sa bibig mo," nakatawang sabi ni Julian sa kanya habang tinatakpan niya pa rin ang tenga ni Nikki. Tumawa naman kami ni Dane at nakitawa rin si Tito Seph sa amin.

"Pare-pareho naman kayong barubal magsalita 'pag magkakasama," sabi pa ni Tito Seph kaya lalo kaming nagtawanan.

"Dad, kanino pa ba kami magmamana? Eh 'di sa inyo lang din," sagot ni Stefan at sumang-ayon naman kami nina Dane at Julian habang nagtatawanan kami.

Si Nikki naman ay nakatingin lang sa amin, halatang walang naiintindihan sa pinag-u-usapan dahil wala pa rin siyang naririnig kaya inabala niya ang sarili niya sa manika niya.

"Daddy, Jabee!" sabi niya pa nang tanggalin na ni Julian ang kamay niyang nakatakip sa tenga nito.

"Yes, sweetheart. Pupunta tayo sa Jabee," malambing na sagot ni Tito Seph habang naka-focus siya sa pagmamaneho. "May malapit na fast food sa subdivision ng Tito Kris niyo, 'di ba?" tanong niya naman sa amin

"Yes, Tito Seph," sagot ko.

"Stopover muna tayo, maaga pa naman," aya niya at pumayag naman kami.

Gutom na rin ako kahit kumain ako ng dinner bago umalis ng bahay. Matagal din kasi ang biyahe namin dahil sa Bulacan pa nila ako sinundo.

"Dad, ito 'yun," turo ni Stefan nang makita niya ang fast food na malapit sa subdivision nina Kevin.

Lumiko si Tito Seph at nag-park ng sasakyan bago kami sunud-sunod na bumaba. Hawak ni Julian si Nikki na agad namang nagpakuha kay Tito Seph nang makababa na siya mula sa driver's seat.

"Daddy, gusto ko si Mavis! Toy!" sabi pa ni Nikki habang buhat siya ni Tito.

"Okay, we'll buy you Mavis pati ang iba pang characters," nakangiting sagot ni Tito Seph bago niya hinalikan ang pisngi ng bunso niya.

Spoiled si Nikki dahil bukod sa pagiging bunso, malaki rin ang age gap niya kina Stefan at Ate George. Nikki's only five samantalang si Stefan ay sixteen at si Ate George naman ay eighteen.

Steal Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon