AXEL
"Alam na ni Addie?" tanong ni Kevin habang nagpapasahan kami ng football.
This is our past time. It's almost similar with soccer but football's more physically demanding. Pagod na pagod kami nang matapos ang isang katuwaang game kaya ngayon ay pinagpapasa-pasahan na lang namin ang bola.
"Hindi pa, dude. That's the problem," sagot ko. Pinanuod ko ang pagbato ni Stefan ng bola kay Dane tsaka ako sumigaw. "Nice pass, bro!"
"She'll freakin' go mental once she finds out," sabi naman ni Dane. Naglakad siya palayo at muli siyang humarap sa amin para sumenyas kay Julian na sumalo ng bola. "Long pass, 'tol!"
"Addie hates her guts. She won't be okay with that," duktong ni Julian. "But she'll surely find that out so it's better if it'll come from you."
"Mamaya ko na lang sasabihin. Naghahanap pa ako ng tamang tiyempo," sagot ko.
Muling sumigaw si Dane para makuha ang atensyon namin.
"Oy! Bilis!"
"A'right. Game!" sigaw naman ni Julian at pumalakpak pa siya bago umayos ng posisyon.
Ibinato ni Dane ang bola sa direksyon namin at hinabol naman 'yon ni Julian para saluhin. Napahiga pa siya sa damuhan kaya tinulungan siyang tumayo ni Kevin.
"May galit ka ba sa akin, bro?" nakangiwing tanong ni Julian habang yakap niya ang bola. "Tang ina ang sakit, ha! Lakas mo bumato!"
"Take it easy," natatawang sabi naman ni Kevin.
"Sorry, bro! Matagal na akong hindi nakakabato sa malayo, eh," paliwanag ni Dane at nakitawa rin siya. "Kaya mo 'yan, hindi naman 'yan nakakamatay."
"Gago!" mura ni Julian. Agad siyang tumayo at bumawi kay Dane nang maka-recover siya. "Oh ayan, hindi nakakamatay, 'di ba?"
"Ina mo, Jul!" daing naman ni Dane habang nakahawak sa sikmura niya.
"Solid!" natatawa naming sabi nina Stefan.
"Mga gago! Masakit talaga!" angil sa amin ni Dane. Inakbayan na lang siya ni Julian at tinapik-tapik sa balikat.
"Tara na nga, kumain na lang tayo," aya niya at sabay-sabay kaming umalis sa field para pumunta sa student lounge.
"Julian, over here!" tawag ni Zia.
Kumaway pa siya para makita namin kung saan ang pwesto nila. Lunch break na kaya marami na naman ang nagkalat na mga estudyante.
"Hey..." bati namin sa kanila. "Kumain na kayo?"
"Kakatapos lang. Ang tagal niyo kasi," sagot ni Mary.
"Saan ba kayo galing?" tanong naman ni Rheigne.
"Naglaro ng football," sagot ni Stefan. "May thirty minutes pa naman, pwede pa kaming kumain," duktong niya.
"Wait, where's Addie?" tanong ko bago kami umalis para bumili ng pagkain. "Bakit wala?"
"Nauna na sa room. Bumili lang siya ng water tsaka biscuit, Axel. Wala kasing ganang kumain," sagot ni Michelle. "Nag-away ba kayo? Okay naman kaninang umaga, ah?"
"Hindi kami nag-away, Chelle. But I'll check up on her," sagot ko bago ako bumaling do'n sa apat na naghihintay sa akin. "Kay Addie na lang ako sasabay. Bili ko na rin siya ng pagkain. Baka gutom na 'yon."
"I think she knows, man," mahinang sabi ni Julian at tumango naman ako.
"I'll do something about it. Sige bro, mamaya na lang. Puntahan ko muna siya," paalam ko.
BINABASA MO ANG
Steal Your Heart
Teen FictionSerendipity Series III: Axel is Addie's favorite headache and heartache rolled into one. And her mission in life? To steal his heart no matter what.