Chapter 19.2: Addie magic

2.7K 81 3
                                    

AXEL

"Good evening, Tita Mimi!" sabay-sabay naming bati sa kanya pagkatapos kaming pagbuksan ng gate ng isa sa mga kasambahay nila.

Isa-isa kaming humalik sa pisngi ni Tita Mimi at sumunod kami nang ayain niya kaming pumasok sa loob ng bahay nila.

"Bakit iisa-isa ka rito, Tita?" tanong ni Stefan habang naglalakad kami sa walkway ng front yard nina Kevin.

"Si Mason nag-overnight kasama ang blockmates niya. Si Kevin nasa taas. Ang Tito Kris niyo, nasa business trip at bukas pa ang uwi. Alam niyo namang busy 'yon sa latest car models na i-la-launch ng company nila," paliwanag ni Tita Mimi.

May share ang pamilya ni Tito Kris sa isang malaking car company at siya ang kasalukuyang nag-ma-manage nito. Si Tita Mimi naman ay proprietor ng Martin's, isang pastry shop at café.

"Idol talaga si Tito Kris!" sabi naman ni Dane pagkatapos naming maupo sa couch rito sa living room nila. "Tita, pwede ba ulit kaming i-tour ni Tito sa company kapag lumabas na ang mga bagong car models?" tanong niya at tumango naman si Tita Mimi.

"I'll tell him that," nakangiting sagot niya pa. "Kumain na ba kayo? Magpapa-serve ako ng dinner," dagdag niya at agad naman kaming tumanggi.

"Tita, 'wag na. Busog pa po kami kasi dumaan muna kami sa fast food bago kami i-drop ni Tito Seph dito. Kahit water na lang po," sabi pa ni Julian at nagpakuha naman si Tita Mimi ng tubig para sa amin.

"Kinukumusta nga po pala kayo ni Dad. Hindi na siya nakababa dahil nag-ta-tantrums na si Nikki, eh. Inaantok na po kasi," dagdag ni Stefan.

"That's okay. Tell him and your mom na kinukumusta ko rin sila. Kayo rin Dane, Julian at Axel, pakisabi sa mga parents niyo. And tell them na 'wag kalimutan ang bonding namin next week sa Martin's," bilin ni Tita Mimi at tumango na lang kaming apat.

"Siya nga pala, hindi man lang nabanggit ni Kevin na bibisita kayo ngayon. Ang batang 'yon talaga!" dagdag ni Tita Mimi habang nakapameywang siya sa harap namin.

"Eh, Tita... hindi naman po alam ni Kevin na pupunta kami," sagot ni Dane.

"Gano'n ba? Bakit naman?" tanong ni Tita Mimi at tumingin siya sa aming apat. "Nako, nag-away kayo, 'no? Kayo talaga!"

"Magkakabati-bati rin po kami, Tita. Kami pa ba?" paninigurado ni Julian. "Gising pa po ba si Kev?" tanong niya pa.

"Oo, naglalaro lang 'yon sa entertainment room. Tatawagin ko lang para babain kayo," sagot niya at pansamantala niya kaming iniwan para puntahan si Kevin sa taas.

"Tahimik ka?" puna ni Julian sa akin at umiling naman ako.

"Wala 'to," iling ko.

Ilang minuto lang ay sabay-sabay kaming nag-angat ng tingin nang marinig namin si Tita Mimi na pababa na ng hagdan. Kasunod niya si Kevin na tumango lang sa amin nang makita niya kaming nakaupo sa couch nila.

"Bro!" salubong sa kanya nina Dane, Stefan at Julian.

Tumayo sila para lumapit at makipag-fist bump kay Kevin. Sumunod din ako pero nanatili akong nakatayo sa likod nila. Tumawa pa silang tatlo habang kinukuyog nila ang kaibigan namin. Tinulak naman sila ni Kevin at ilang segundo lang ay nakitawa na rin siya sa kanila na parang walang nangyari.

"Mga tang ina niyo!" natatawang sabi niya pa. "Ang clingy niyo! Pucha!"

"Kevin! Watch your mouth!" saway ni Tita Mimi sa kanya na nanunuod sa amin. Ngumiti rin naman siya at sinabi niyang iiwan niya raw muna kami.

"Cha Mimi! Inom daw po. Pwede?" habol ni Kevin sa mommy niya bago ito umakyat sa second floor ng bahay nila.

Cha Mimi ang tawag ni Kevin at ng kuya niya kay Tita Mimi kapag naglalambing sila rito. Tito Kris coined that term when he was just courting Tita Mimi because of her chubby cheeks.

Steal Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon