Chapter 20: Trust

2.9K 72 5
                                    

ADDIE

"Addie, 'yan lang kakainin mo? Gusto mo nitong barbecue?" tanong sa akin ni Toby na nakatayo sa right side ko.

Nandito kami ngayon sa school field para sa leadership camp. Twice itong nangyayari at taun-taon. Una ay pagkatapos ng induction sa bagong set ng student council officers at ang pangalawa ay bago kami bumaba sa pwesto.

Naging maayos naman ang lahat kahit na isang linggo lang ang ibinigay sa amin para sa pag-a-asikaso ng event na 'to. Maganda rin ang setup ng mga tents sa gilid at may malaking bonfire pa sa gitna habang kumakain kami sa mga long tables na nakapaligid dito.

Boodle fight ang style ng dinner at may mga tables na assigned para sa iba't ibang officers ng mga organizations dito sa Serendipity High. Kasama ko sa table ang buong student council at masaya ang naging diskusyon habang kumakain kami bago itinuon ni Toby ang atensyon niya sa akin.

"Busog pa naman ako," nakangiting sagot ko kay Toby. "Sige na, don't mind me. Okay na ako rito sa pagkain ko," duktong ko pa.

"You sure?" tanong niya kaya tumango naman ako.

Maya-maya pa ang mga activities na inihanda namin para sa gabing ito kaya naging abala ang lahat sa pagkain at pag-u-usap. Kami naman nina Camille ay patuloy sa diskusyon namin tungkol sa nalalapit na prom. Dalawang linggo na lang kasi ang hinihintay namin para rito kaya excited na kami.

"Uy, ito na pala sina Axel!" biglang sabi ni Camille sa kalagitnaan ng pag-u-usap namin at ngumuso siya sa direksyon kung nasaan si Axel.

Nakita kong kasama niya ang Xscape habang nagpapaliwanag sila kay Ma'am Sanchez. They're late.

Halatang may kaunting sermon pang ibinigay sa kanila bago itinuro ang tent at table kung sila naka-assign. Bumalik naman ako sa pagkain ko nang dumiretso sila ng Xscape sa tent para ibaba ang mga bags na dala nila.

"Palapit si Axel dito, Addie," bulong sa akin ni Camille. Siya ang katabi ko sa left side ko.

Nagkunwari naman akong walang narinig dahil ayokong tignan si Axel habang naglalakad siya palapit sa akin. Siguradong mamumula na naman ang pisngi ko at parang tanga na naman akong ngingiti habang pinapanuod ko siyang maglakad.

"Hey..." rinig kong tawag sa akin ni Axel nang huminto siya sa likod ko. Hindi pa siya nakuntento kaya naramdaman ko ang pagsundot niya sa tagiliran ko. "Ang kaunti na naman ng kinakain mo."

"Kumain ako sa bahay bago pumunta rito," sagot ko pagkatapos kong hampasin ang kamay niya. "Kumain ka na nga muna. Nando'n na 'yung apat oh," duktong ko pa.

Itinuro ko sa kanya ang table ng Acoustic club kung saan siya ang club president. Nando'n dapat siya ngayon at hindi rito sa tabi ko. Although I don't mind that he's here. Baka lang hinahanap siya ng mga kasama niya.

"Dito na lang ako. Kaya na nila 'yon. Kakain lang naman," sabi niya naman.

Narinig kami ni Camille kaya umusad siya at nagbigay ng space kay Axel. Inabutan niya ng bagong dahon ng saging si Axel para do'n siya makakain.

"Thank you, Cam," sabi pa ni Axel sa kanya.

"Malakas sa akin si Adddie, eh. Tsaka kanina ka pa hinihintay n'yan," sagot ni Camille sa kanya at kumindat pa siya sa akin bago bumalik sa pagkain niya.

"Hinihintay mo ako?" tanong naman ni Axel sa akin. "I texted you. Sabi ko ma-le-late kami kasi nasiraan kami ng sasakyan. Inayos pa ni Daddy," paliwanag niya.

Si Tito Timothy ang naghatid sa kanila kaya sabay-sabay silang dumating dito sa field.

"Hindi ko nababasa, eh. Iniwan ko sa bag ko 'yung phone ko," sagot ko.

Steal Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon