ADDIE
"Hey..." tawag sa akin ni Kuya Brent nang buksan niya ang grills ng bintana niya para lumabas mula ro'n. Maingat siyang naglakad sa bubong ng bahay bago siya naupo sa tabi ko. Hindi ako umimik nang ipinatong niya sa balikat ko ang jacket na dala niya. "Malamig."
Ipinagdikit ko ang mga binti ko at niyakap ito bago ipinatong ang baba ko sa pagitan ng mga tuhod ko. Ilang minuto rin kaming nanatiling tahimik ng kapatid ko bago siya muling nagsalita.
"Galit ka pa rin sa akin?" tanong niya at hindi naman ako sumagot. "Galit ka pa nga."
"Adds..." muli niyang tawag sa akin. Hindi pa rin ako nagsasalita pero nanatili ako sa pwesto ko para makinig. "Alam kong mali ang ginawa ko. Noong mga panahong 'yon, akala ko tama ako. Akala ko, mas makakabuti 'yon para sa'yo."
Ibinaling ko ang tingin ko sa kapatid ko habang diretso ang tingin niya. Pinagmasdan ko ang pag-iling niya at ang malungkot niyang ngiti.
"Alam kong kasalanan ko kung bakit naging komplikado ang sitwasyon niyo ni Axel. Pero sana, mapatawad mo pa ako," dagdag niya pa bago siya tumingin sa akin. "I know that this is not an excuse but I got scared. Natakot ako na mawala ka sa amin, na baka hindi ka tumuloy sa New York at hindi matuloy ang pagpapagamot mo dahil kay Axel. I thought I was protecting you, that what I did was for the best, pero nasaktan na naman kita."
"Kuya, hindi naman ako galit. Naiintindihan ko naman kung bakit," paninigurado ko sa kanya bago ko ibinaling ang tingin ko sa ibaba para pagmasdan ang mga sasakyang dumadaan sa kalsada. "Hindi ako galit pero nasaktan ako dahil hindi mo kayang magtiwala sa akin at sa mga desisyon ko."
"I'm sorry..." rinig kong sabi niya at napailing naman ako.
"Nakakalimot ka kasi minsan, Kuya. That I am entitled to decide for myself. To make mistakes and to be hurt. You can't protect me forever by thinking that what you're doing is what's best for me," dagdag ko pa.
"I now know that," nahihiya niyang sagot.
"You know, but do you understand?" balik ko sa kanya. "Paulit-ulit na lang kasi tayo, Kuya."
"Alam kong marami akong kasalanan sa'yo, Adds. But I'm trying to be a better brother. I really am," paninigurado niya. "At ayaw kong umalis ka na naman na hindi tayo okay."
"Alam mo namang hindi kita pwedeng tiisin. Kuya kaya kita," nakangiti kong sagot at sumandal pa ako sa balikat niya nang akbayan niya ako. Ayoko nang magtanim ng sama ng loob sa kahit kanino dahil makakasama lang 'yon sa akin. "I just have one request."
"Ano 'yon? Kahit ano, Adds. I will do it."
"You may guide me as my brother but please don't try to dictate me and decide for me. Let me grow on my own, let me learn," pakiusap ko sa kanya. "May you do that for me? Please?"
"Okay, I will try to control my overprotective kuya side from now on," sagot niya bago siya ngumisi sa harap ko. "But I'll still be a protective kuya when it's necessary. Pero mas makikinig na ako sa'yo, I won't make hasty decisions anymore."
"That's a promise, Engineer?" hopeful kong sabi nang itaas ko ang pinky finger ko. Itinaas niya rin ang kanya at pinag-entwine namin ang mga daliri namin.
"It's a promise," sabi niya naman bago siya ngumiti. "I can't believe that you're still making me do this after all these years."
"This is our legitimate foundation of trust ever since, Kuya. And I trust that you won't break your promise?"
"I won't," sagot niya bago niya hinalikan ang noo ko. "Just promise me that you'll be happy, okay? I know that Ethos and I are not that in good terms but he is a good guy. Alam kong maaalagaan ka niya."
BINABASA MO ANG
Steal Your Heart
Fiksi RemajaSerendipity Series III: Axel is Addie's favorite headache and heartache rolled into one. And her mission in life? To steal his heart no matter what.