Chapter 10: Bakod

3.3K 136 39
                                    

ADDIE

"Yaya, si Axel na ba ang dumating?" rinig kong tanong ng mommy niya habang naglalakad ito pababa sa marmol na hagdan na karugtong ng walkway nila.

Si Axel lang ang kasama ko dahil ipinarada pa ni Kuya Brent sa garahe ang pickup truck na dala namin.

Tahimik si Axel kaya inaliw ko ang sarili ko sa pagtingin sa kabuuan ng mansyon nila. Hanggang ngayon ay manghang-mangha pa rin ako sa ganda nito kahit ilang beses na akong nakapunta rito.

Maybe some houses are just too big, but I am not exaggerating. Sa mansyon talaga sila nakatira at nasa loob ito ng isang exclusive subdivision. It's a French Chateau-Style mansion and it looks so elegant.

Ang sabi sa akin ni Kailyn, pamana raw ito ng lolo ni Tita Alex sa kanya bago ito mamayapa kasama pa ang iba nilang properties tulad ng farm nila sa Nueva Ecija.

"Ma! Opo, nandito na ako," sagot ni Axel at sinalubong niya ang mommy niya para alalayan sa pagbaba ng hagdan.

Humalik siya sa pisngi nito at bumaling naman sa direksyon namin si Tita Alex nang makita niyang naglalakad palapit sa akin si Kuya Brent.

"Good evening, Tita Alex!" nakangiting bati ng kuya ko sa kanya.

"Good evening, Brent! Ngayon ka na lang ulit nabisita rito," bati niya naman kay Kuya Brent.

Bumeso pa siya rito kahit panay ang tanggi ng kapatid ko dahil amoy pawis daw siya. Nakapagpalit naman ng shirt si Kuya Brent dahil may extra shirt siyang dala. Maarte lang talaga ang kapatid ko.

"Mabuti naman at sa inyo nasabay si Axel," sabi pa ni Tita Alex. "Salamat, ha? At least, nabawasan ang pag-aalala ko."

"Wala 'yon, Tita," sagot naman ni Kuya at sa akin naman humarap si Tita Alex. Nakatayo ako sa gilid ni Axel at pinapanuod ko lang sila.

"Hello, Addie!" bati niya naman sa akin at nahihiya akong bumati sa kanya nang humalik din siya sa pisngi ko.

Hindi na ito bago sa akin pero nahihiya pa rin ako sa tuwing nagkikita kami. Alam kong alam niya na may gusto ako kay Axel dahil sigurado akong nabanggit 'yon ni Kailyn sa kanya. Panay kasi ang tukso niya sa amin ng kuya niya sa tuwing bumibisita ako.

"Ang sabi sa akin nitong si Axel, ikaw raw ang partner niya sa prom?" Nahimigan ko ang panunukso sa tanong ni Tita Alex kaya hiyang-hiya akong tumango sa harap niya.

"Opo nga. Nabanggit na po pala niya sa'yo ang tungkol do'n," nahihiyang sagot ko.

"Tuwang-tuwa nga ako noong nalaman ko na ikaw ang partner niya. Akala ko nga inayawan mo na ang anak ko dahil hindi ka na sumasama sa kuya mo sa tuwing bumibisita siya rito," sabi niya naman.

Madalas akong isama ni Kuya Brent dito tuwing dumadayo siya para makipaglaro ng basketball kay Kuya Leon. Request daw kasi ni Kailyn at sumasama naman ako para masulyapan ko rin si Axel.

"Gustung-gusto nga kita para kay Axel," duktong pa ni Tita Alex. I'm sure that my cheeks are bright red already!

"Ma!" saway ni Axel sa kanya at bigla na lang niya akong hinila papasok sa mansyon nila. "Hayaan mo na nga si Mommy, una na tayo."

"Addie, dito na kayo mag-dinner ng Kuya Brent mo, ha?" rinig kong pahabol ni Tita Alex habang nagpapatianod ako kay Axel na dire-diretso sa pag-akyat ng hagdan.

Huminto kami sa harap ng malaking pinto papasok sa mansion nila at pinagbuksan naman si Axel ng isa sa mga kasambahay nila.

"Yaya, pakikuha naman si Addie ng towel," utos ni Axel.

Steal Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon