Chapter 34: Happy birthday

1.9K 66 8
                                    

ADDIE

"Happy birthday, Addie!" sabay-sabay nilang sigaw. Napatakip ako ng unan nang may pumutok pang party poppers sa magkabilang gilid ko. It's too loud!

"Wakey, wakey, sleepyhead!" excited na sabi ni Zia at pinilit niya akong bumangon habang nakabalot pa rin ang puting comforter sa akin. "Happy birthday, best friend!

Isa-isa silang yumakap nina Mary, Michelle, Rheigne at Sophie sa akin. Sabay-sabay namang nagpaputok ulit ng party poppers sina Julian, Kevin, Dane, Stefan at Joaquin. Sina Ethos at Axel naman, sinisidahan ang mga candles na nakalagay sa round chocolate cake na dala nila.

"Happy birthday, Addie," nakangiting bati sa akin ni Ethos. Hinalikan niya ang noo ko at inilapit niya ang cake sa harap ko. "Nineteen candles so these are nineteen wishes for you."

"That's too much. I'm okay with one," nakatawang sagot ko at mabilis akong pumikit bago ko hinipan ang mga kandila na nasa cake. "Thank you, Ethos."

Bumaling ako sa mga kaibigan namin na kumanta pa ng birthday song at ngumiti ako sa kanila. Casual na sleepwear lang ang mga suot nila, halatang sinadya pa talaga nila ang pagpunta rito para surpresahin ako.

"Thank you, guys. This means a lot."

"Of course, we wouldn't miss your birthday salubong, Adds. It's been three years since you last celebrated your birthday with us," sabi naman ni Rheigne.

"Mamaya na lang 'yong gifts namin sa party mo, ha? Sumaglit lang talaga kami rito para salubungin ang birthday mo," sabi naman ni Mary at tumango ako.

"You're not staying? It's already late, you guys can sleep here," alok ko sa kanila.

"Don't worry about it, Adds. No one's drunk so we can all drive," sagot ni Stefan at nagtawanan naman kami. "Kami na ang bahala kina Mary," paninigurado niya at isa-isa na silang nagpaalam sa akin.

Humalik ang mga girls sa pisngi ko at yumakap naman ang mga boys sa akin maliban kay Axel na nagpaalam para pumunta sa comfort room sa baba.

I don't know if he really needs to go to the comfort room or if it's just his excuse. Or maybe I'm just thinking too much and it really doesn't mean anything to him at all.

"Bro! Hintayin ka na lang namin sa baba?" tanong ni Dane nang bumaling siya kay Ethos.

"I think I'll stay here for a bit," sagot niya.

"Okay, bro. Sasabihan na lang namin ang pinsan mo na magpapaiwan ka at mauuna na kaming umuwi," sabi naman ni Kevin at nagpaalam na rin sila kay Ethos.

"Thank you for the help, guys. Ingat!" sabi pa ni Ethos.

"We'll get going now. Happy birthday again, Adds. We'll see you later," paalam ni Mary at bumaling pa siya kay Ethos. "Wala 'yon. Ingat ka mamaya."

"Thank you ulit!" sabay naming pahabol ni Ethos at kumaway na lang sila sa aming dalawa bago sila tuluyang umalis. Bumaling naman ako kay Ethos na ngayon ay nakaupo na sa kama ko. "Hey, how did you make this happen?"

"Tumulong si Brent. He's actually the one who let us in," sagot niya.

"Napapayag mo si Kuya?" gulat kong sabi. They're not really on good terms so this is a major thing for me. Well, si Kuya Brent lang naman talaga ang may problema kay Ethos, to be honest.

"Axel helped. Mukhang close sila ng kuya mo," sagot niya habang pinaglalaruan niya ang mga daliri ko. "Brent doesn't really like me for you, Addie."

"Kuya's opinion doesn't really matter, Ethos. I like you, okay? Isn't that enough?" malambing kong sabi.

"No. Please, don't get me wrong. It is enough, Adds..." sagot niya at masuyo niyang hinawakan ang kanang pisngi ko. "But it would really mean a lot if I have the approval of all of your family members. I want them to like me, too."

Steal Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon