AXEL
"Ano'ng ginagawa mo rito!?" galit na bungad sa akin ng kapatid niya nang makita niya akong paakyat papunta sa kwarto ni Addie.
"Pinapasok ako ni Tito Ben," maikling sagot ko sa kanya at sinubukan ko siyang lagpasan pero hinaharangan niya ang pinto ng kwarto ni Addie.
"Kuya Brent, how's Ate Addie? Sinumpong daw siya ng asthma habang kausap siya ni Kuya Axel kanina kaya bumalik kami," sabi naman ni Kailyn kaya medyo lumambot ang ekspresyon sa mukha ng kuya ni Addie.
"She's okay now, Kai. She's still sleeping," sagot pa nito sa kapatid ko.
"Can I see her?" tanong ng kapatid ko at walang pagdadalawang-isip siyang tumango rito. Susunod sana ako kay Kailyn sa loob pero pinigilan ako ng kuya ni Addie.
"Mag-usap tayo," seryoso niyang sabi at sumunod ako sa kanya pababa sa living room para ro'n kami makapag-usap.
"Hi, Axel. Napapadalas ka yata rito," nakangiting sabi ni Tita Celestine nang dalhan niya kami ng juice.
Parang kahapon lang, nandito rin kami ni Kuya Leon at ngayon naman, si Kailyn ang kasama ko. Siguro dapat ko na ring ipaalam sa parents ni Addie ang intensyon ko kahit bawal ko pa siyang ligawan ngayon. I need to get their trust and I have to prove them that I am willing to work hard for it.
"Ah, Tita kasi po..." panimula ko pero pinigilan agad ako ni Kuya Brent.
"Concerned lang 'yang si Axel kay Addie, 'nay. Kasi magkaibigan sila," sagot niya para sa akin.
"Actually, Tita..." sabi ko pero pinigilan na naman ako ng kuya ni Addie.
"Nanay, parang may nasusunog. 'Yong niluluto mo ata," sabi niya pa kaya nagpaalam muna si Tita Celestine sa amin at iniwan na niya kami rito sa sala. "What the fuck, Axel!? What was that?" inis na tanong niya sa akin.
"Magpapaalam ako kina Tita. Maybe if I can't make you listen, they will," sagot ko at binalingan niya naman ako ng masamang tingin.
"Akala mo ba gano'n lang 'yon kadali? You like Addie? Really, huh? What do you know about her, then?" naghahamong tanong niya sa akin.
"I like her and we're starting to get to know each other," sagot ko. "But how can we continue that if you won't let us?"
"Sa tingin mo ba, kung hahayaan ko kayo, makilala mo talaga ang kapatid ko?" ngumisi siya sa akin at umiling. "I bet you won't. Kasi kung siya mismo may tiwala sa'yo, dapat alam mo..."
Napapikit ako sa mga sinabi niya sa akin. Hindi ko tuloy alam kung gusto kong manuntok ng pader o siya mismo kahit kuya pa siya ni Addie. Naiintindihan ko na ngayon kung siya nanggagaling pero wala pa rin siyang karapatan na magdesisyon para sa amin ng kapatid niya. I'm sure Addie will also tell me about this, right?
"Ano na, Axel? I am giving you a chance, but you have to do this for me if you really want to prove yourself," hamon sa akin ng kuya ni Addie at agad akong umiling.
"Tanggap ko lahat ng sinabi mo, tanggap ko si Addie at sigurado akong darating ang panahon na siya mismo ang aamin sa akin ng mga bagay na narinig ko mula sa'yo kanina. Kaya hindi ko kailangang makipagkasundo sa'yo," matapang kong sabi. "Oo, naiintindihan ko na may kailangan din akong patunayan sa'yo pero hindi sa ganitong paraan. Nirerespeto kita bilang kapatid niya pero mas nirerespeto ko si Addie kaya hangga't kailangan niya ako sa tabi niya, hindi ako aalis," duktong ko at siya naman ang umiling sa akin.
"You talk like you're in love with my sister," sarkastiko niya pang sabi. "Tulad nga ng sinabi ko, you're too young. You're only sixteen, right? Nasisilaw lang kayo sa ideya ng pag-ibig."
"Well, maybe I am," sagot ko sa kanya. "At kung ibabalik ko sa'yo ang mga sinasabi mo, ano nga rin ba ang alam mo tungkol sa pag-ibig? You're only eighteen."
"Stop making this about me," mariin niyang sabi. "Everything's temporary, Axel. Magsasawa ka rin sa kapatid ko."
"I do not invest my time in something that's temporary. I invest my time with the people that I want to keep for as long as I can and that's what I want with Addie. Something that is not temporary."
"Sinasabi ko sa'yo Axel, this is not bound to last forever," seryoso niyang sabi. "Gusto ka ni Addie? Napakaraming gusto ng kapatid ko and I think this is just a phase. Maybe she's just fangirling over you tulad nang madalas kong marinig sa kanya kapag may hinahangaan siyang tao. So... what makes you think that you are different?"
"Sige, siguro nga wala akong pinagkaiba sa mga taong hinahangaan niya. Siguro sooner or later, 'yong pagkagusto sa akin ni Addie, ma-ri-realize niya na paghanga lang. Pero ngayon, hangga't nandito ako, hindi ko hahayaang mangyari 'yon. Dahil masaya ako na gusto niya ako at gusto ko rin siya... gustung-gusto. At kahit ano'ng sabihin mo bilang kuya niya, siya pa rin ang magdedesisyon sa huli kung aalisin niya ako sa buhay niya o hindi," mariin kong sabi bago ako tumayo. "Kung 'yon lang ang sasabihin mo, sana pwede na akong pumunta sa kwarto niya. Kahit sandali lang, gusto ko lang siyang makita."
"Hindi—"
"Brent, let him," sabi ni Tita Celestine nang sumilip siya mula sa kusina.
Narinig kong pinagsabihan pa siya ng mommy nila sa baba bago ako pumasok sa kwarto ni Addie na parang walang nangyari.
"Hey..." nakangiting bungad ko sa kanya nang makita kong gising na siya at masayang nakikipag-usap kay Kailyn. May oxygen tank sa tabi niya pero tinanggal na niya ang tube na nakalagay sa ilong niya. "Are you okay now?" tanong ko sa kanya.
"Medyo. Bumubuti na ang pakiramdam ko," nakangiti niyang sagot kahit namumutla pa rin ang mga labi niya. "Pero sana hindi na kayo nagpabalik kay Manong Ron, sayang naman ang gas," sabi niya pa at umupo naman ako sa tabi niya nang magpaalam sa amin si Kailyn na magpupunta raw muna siya sa banyo.
"It's okay. Mas importante ka," malambing kong sabi at marahan kong hinawi ang buhok niya. "Natakot ako kanina kasi wala akong magawa habang naririnig kitang nahihirapan."
"Narinig mo ba lahat?" tanong niya at agad akong umiling kahit may idea ako kung ano ang tinutukoy niya.
"Hindi. Kasi ibinaba ko na agad ang tawag nung narinig ko sina Tita na nawalan ka ng malay," pagsisinungaling ko at mukhang nakahinga naman siya nang maluwag. "Do not stress yourself too much."
"Si Kuya kasi..." nakanguso niyang sabi. "Kinausap ka raw niya ulit sabi ni Kai, ah? Ano'ng sabi niya? Daig pa ng kuya ko ang kontrabida sa teleserye, eh," sabi niya pa kaya natawa naman ako.
"Parang gano'n na nga," sabi ko pa. "Kaya 'yan. Gagawan ko nang paraan."
"Paano kapag napagod ka na tapos wala pa rin?" tanong niya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. "Mapapagod ka rin sa akin."
"Kung mapapagod ako, pwede akong magpahinga. Napagod ka rin naman sa akin pero ito ka pa rin, oh. Kaya gano'n din ako sa'yo," sagot ko. "It's a matter of choice. At ito ang pinili ko kaya papanindigan ko 'to."
"Axel..."
"Just trust me, okay?" sabi ko sa kanya at tumango na lang siya. "Because I want crazy... I want you... I want everything that comes with wanting you, Addie. I won't give up."
BINABASA MO ANG
Steal Your Heart
Подростковая литератураSerendipity Series III: Axel is Addie's favorite headache and heartache rolled into one. And her mission in life? To steal his heart no matter what.