AXEL
"Sinasabi ko na nga ba!" tuwang-tuwang sabi ni Kailyn nang makabalik kami sa sasakyan pagkatapos naming manatili sa ice cream parlor kasama sina Addie at ang kuya niya. "You like her! May gusto ka kay Ate Addie."
"Saan mo na naman napulot 'yan, Kailyn Lana?" seryosong tanong ko sa kanya sabay iling. "Kung anu-ano ang sinasabi mo," duktong ko pa pagkatapos kong isara ang pinto ng sasakyan.
"Well, actions speak louder than words so..."
"So what?" putol ko agad sa kanya. "Let's not talk about it, it's nothing," I dismissed her.
"In denial," tukso niya sa akin at sinamaan ko agad siya ng tingin pero nagpatuloy pa rin siya sa pagdaldal. "Kung ayaw mo kay Ate Addie bakit ikaw ang date niya? Akala ko ba sila ni Toby?" sabi niya pa.
"Akala mo lang 'yon."
"What did you do?" nagtatakang tanong niya. "Oh, no! Don't tell me... tinakot mo si Toby?" bintang niya.
"What?" Tinawanan ko lang ang ibinibintang niya. "Bakit ko naman gagawin 'yon?"
"So ano ngang ginawa mo?" curious at impatient niyang tanong.
"I just said yes to Addie, that's all..." maikling paliwanag ko sa kanya at pumikit na ako para umidlip pero kinulit niya pa rin ako.
"Paano nangyari 'yon? 'Di ba si Toby ang inaya—oh my god, he lied to me? He lied to me, didn't he?" hindi makapaniwalang realization ng kapatid ko.
"Alam mo na ang sagot d'yan," sabi ko na lang at tinulugan ko na ang pagmumukmok niya.
Pagkalipas ng isang oras, nagising din ako at nakita kong papasok na sa gate ng mansyon ang sasakyan namin. We're finally home.
Nilingon ko si Kailyn bago bumaba ng sasakyan at nakita ko na tulog na tulog siya sa tabi ko. Gigisingin ko sana siya pero naalala ko na baka napagod siya sa kakaiyak kanina kaya hinayaan ko na siyang matulog.
"Ser, ako na po ang bubuhat kay Ma'am Kailyn," alok ni Manong Ron habang kinukuha ko si Kailyn sa pwesto niya pero tinanggihan ko agad 'yon.
"Kaya ko na po ito," sagot ko. Hindi naman gano'n kabigat ang kapatid kong bunso at isa pa, hindi ako komportableng ipabuhat siya sa ibang tao. "Pakidala na lang po ang mga gamit namin sa loob pagkatapos i-garahe ang sasakyan," duktong ko habang buhat ko si Kailyn.
"Sige po, Ser."
Nagsimula na akong maglakad sa walkway na karugtong ng marmol na hagdan. Sa dulo nito ay isang malaking pinto papasok sa bahay. Pinagbuksan ako ng isa sa mga house helps namin at tinawag niya si Mommy para ipaalam na dumating na kami.
"Ma'am Alex, nandito na po sina Sir Axel at Ma'am Kailyn," anunsyo niya at nakita ko si Mommy na tinatanggal ang suot niyang apron dahil mukhang abala siya sa pagluluto ng dinner.
"Anak! Ano bang nangyari r'yan sa kapatid mo?" nag-a-alalang tanong agad ni Mommy nang makita niyang buhat ko si Kailyn. "Iyak daw nang iyak 'yan kanina sabi ni Mang Ron kaya nagpadaan pa raw kayo sa ice cream parlor. Ano bang nangyari? Inaway mo na naman ba ang bunso ko?"
"Ako agad, 'My? Talagang ako ang unang suspect?" biro ko. Mas protective talaga si Mommy pagdating kay Kailyn dahil nag-i-isang babae lang siya sa aming magkakapatid. Actually, lahat kami ay protective sa kanya kahit pa madalas namin siyang asarin ni Kuya Leon.
"Is... is it about a boy?" mahinang tanong ni Mommy habang masuyo niyang hinahawi ang magulong buhok ni Kailyn na humaharang sa mukha niya. Tumango lang ako at napailing naman si Mommy. "Dalaga na ang baby girl ko... ayoko pa," madrama niya pang sabi.
BINABASA MO ANG
Steal Your Heart
Teen FictionSerendipity Series III: Axel is Addie's favorite headache and heartache rolled into one. And her mission in life? To steal his heart no matter what.