Dedicated 'to sayo bilang pasasalamat ko sa pagsubaybay mo sa story ko. Thanks for being considerate. *winks*
Chapter 1
Revised & Edited
The Meeting
[ Khen's Pov ]
Nakahiga ako sa kama while my eyes were just set on the ceiling.
Napabuntong hininga ako sa kabagutan. Pagkadilat ko ay natagpuan ng mga mata ko ang larawan naming magkakabarkada noon. Batang bata pa ang itsura namin dito. Napangiti ako nang may maalala..
***Flashback***
"Oh Nic, ano nanaman ba ang problema mo? Grabe ka nagmumukha ka ng matanda oh! Chilax lang.", pang-aasar ko. Nag-eemote lang kasi siya samantalang nag-iingay kami. Parang may sariling mundo ba.
"Khen naiinis ako sa inyo, darating din ang araw na kakainin niyo ang mga sinasabi nyo!"
***End of Flashback***
Nacucurious ba kayo sa pinag-usapan namin ng kabarkada ko nun? Gusto n'yo ba malaman?
Naalala ko, nasabi ko nun na 'di ako maiinlove sa taong may taning na ang buhay. Katangahan naman kasi yun!
Yun ang kinasama ng loob ni Nic. Grabe lang! Sineryoso nya yun, grade four palang kami nun eh. Nakakalungkot nga ang nangyari sa kanya nun, biruin mo ba naman, nainlove sya sa isang babae.
Minahal n'ya yun ng todo, oo tama ang nabasa n'yo, minahal n'ya ng todo yung babae kahit bata pa kami nung mga panahon na yun. Her name is Janna. And sad to say, she died. She died when he was about to tell her what she meant to him.
Inaamin ko na may mali kami nun, hindi na dapat namin pinag-usapan ang bagay na yun. At mas lalong hindi na dapat namin s'ya inasar, pero ano nga ba naman ang kinamalayan namin noon diba?
Pero buti nalang talaga, lumipas na ang galit n'ya at nakamove-on na s'ya ngayon.
Later that day..
Mag-isa akong nagpunta sa mall. National Bookstore to be exact.. Pasukan na nextweek kaya kailangan ko nang mamili ng gamit. Ako na ang nagpresintang mamili ng gamit ko dahil ayoko ng abalahin si Mommy and besides, I can manage it already.
Mula sa shelf ng mga libro ay nagpunta ako sa lugar kung nasaan nakadisplay ang mga notebook pero napahinto ako nang marinig ang pangalan ko mula sa likod.
Nagulat si Jake ng makita ako habang ngising-ngisi naman si Symon. Lumapit ako sa kanila bago nakipagbro fist.
"Pinag-uusapan n'yo nanaman ba 'ko?", nakataas ang kilay na tanong ko.
BINABASA MO ANG
That Girl is Different
Novela JuvenilFirst love never dies. Yan ang napatunayan ni Kenneth Fuertes nang maranasan ang ikalawang heartbreak. Bumalik sya sa una nyang minahal hindi dahil sa mahal nya din ito gaya ng pagmamahal nya sa pangalawa nyang naging girlfriend kundi dahil kahit pa...
