Chapter 6
Revised & Edited
Aso't Pusa
[ Khen's Pov ]
Nagising ako nang dahil sa kakaibang ingay na narinig sa loob ng kwarto ko. Dala ng kuryosidad ay iminulat ko ang mga mata ko para alamin kung saan nanggagaling ang ingay na yun, bumungad sa'kin ang ngisi ng dalawang mga gago habang hawak ang kanya-kanyang cellphone at kinukuhanan ako. Napamura ako bago bumangon at pinagbabatukan sila. Kinuha ko ang cellphone ni Jake at Symon saka inilagay sa ilalim ng unan ko.
"Confiscated", ani ko bago ngumisi at bumalik sa pagkakadapa ko sa kama.
"Fck Dude. Seryoso ka? Come on! Just delete the picture and give us back our phones!", maktol ni Jek.
"Hoy Khen! Akin na 'yang phone ko! Itetext ko pa si Jenny gago!", angil naman ni Symon na ikinangisi kong muli.
"Sana ay naisip nyo yan bago nyo 'ko pagtripan.", I said before faking a yawn.
"Ah! Lintik naman Kenneth! Ibalik mo na kasi!"
"Later."
"Putek! Anong mamaya? Tsk! Bilisan mo na!", inis na sabi ni Symon.
Ngumisi ako bago bumangon at naupo sa kama. Kinuha ko ang cellphone ng dalawa bago muli silang hinarap.
"Pa'no ba yan? Mahirap akong kausap lalo na kung walang kapalit.", ani ko bago ngumisi sa dalawa.
"Fck y*u dude. Sayo na yan.", singhal ni Jake bago lumabas sa kwarto ko.
"A-ano bang gusto mo?", nag-aalangang tanong ni Symon.
"Just dance.", ani ko.
Nalukot ang mukha ni Symon at nanahimik ng ilang segundo para pag-isipan ang kondisyon ko. Nang makapagdesisyon ay bumuntong hininga ito bago tinapatan ang tingin ko.
"P*cha pre. Sa'yo na nga lang din yan! Mukhang kelangan mo ng pampagatas eh. Isangla mo nalang! Tsk!", aniya bago tumungo sa pinto at padabog iyong isinara.
I just received the sweetest morning greetings from my bros. Just wow!
BINABASA MO ANG
That Girl is Different
Roman pour AdolescentsFirst love never dies. Yan ang napatunayan ni Kenneth Fuertes nang maranasan ang ikalawang heartbreak. Bumalik sya sa una nyang minahal hindi dahil sa mahal nya din ito gaya ng pagmamahal nya sa pangalawa nyang naging girlfriend kundi dahil kahit pa...