That Girl is Different

170 8 2
                                    

That Girl is Different


[ Khen's Pov ]


Dumating ang araw ng graduation. Ang araw na pinakahihintay ko noon dahil sa kagustuhang makagraduate kasabay ng taong mahal ko pero nagbago na ang lahat ng iyon. Gusto ko na ngayong grumaduate para lumayo sa apat na sulok ng paaralan na puno ng mga ala-ala ko, kasama siya.


"Congrats p're. Muntik na akong maiyak sa speech mo kanina.", aniya bago tumawa.


Pinilit kong sabayan ang tawa niya pero hindi ko magawa. Napansin iyon ni Jenny kaya siniko niya sa tagiliran si Symon.


Napabuntong hininga ako.


It's been a long time of moving on and I'm still at the bottom.


Kinuha ko ang cellphone sa bulsa saka binuksan ang wifi at ikinonek iyon sa wifi ng school. I searched her name for God knows how many times but still no signs of her.


Sinubukan kong gumawa ng panibagong facebook account sa pag-aakalang binlock niya lang ako kaya hindi ko makita ang profile niya pero nagkamali ako.


"Zup Dude?", naramdaman ko ang braso ni Jake sa balikat ko. "Still searching for her?", tanong niya. Wala sa boses niya ang pagkainterest sa sagot. It was because he already knew the answer.


Napailing siya. Tinapik niya ang balikat ko. "Congrats pala. Labas tayo mamaya. Libre ko.", aniya. Umiling lang ako.


"May family dinner kami mamaya.", sabi ko bago ibinulsa ang phone ko.


"Ganun ba? Sige pala, una na kami ni baby ko. Congrats ulit ah!", ani ni Jek. Sumimangot si Kash sa endearment na tinawanan lang naman ng isa.


Jake got his Kash and Symon got his Jenny. I don't think I need Eryel to get myself in. Alam kasi naming pareho na hindi na yon magwowork-out. I'm just deeply inlove with Angela. It was so deep that I've drown!


Nakita ko si Daddy na kausap ang Music teacher ko. Napatingin sila sa akin nang mapansin ang paglapit ko.


"Congratulations Kenneth!", bati ni Sir Sanchez bago ngumiti. Nagpasalamat ako bago bumaling kay Dad.


"Una na po akong umuwi.", paalam ko. Umiling naman si Dad.


"Sabay na tayo.", aniya bago nagpaalam kay Sir Sanchez.


Tahimik lang kami buong biyahe. Mukhang alam ni Dad na wala ako sa mood para makipagpalit ng tawa sa kaniya. I know that I should be happy but I just can't. Mahirap magpanggap na masaya ka kaya naman bilib ako sa mga taong nakakaya iyon.


Lumabas ako ng kotse bago dumiretso sa kwarto. Naligo muna saka nagpalit ng damit.


That Girl is DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon