Chapter 22
Rejected.
[ Khen's Pov ]
Maingay ang klase namin ngayon kay Mrs. Infante dahil nagkakagulo sila sa in-announce ni Mam na pagbabago sa gaganaping Year End Party. Yung naganap kasing Year End Party nung nakaraang taon ay ipinagdiwang by section lang pero yung ngayon, buong Keislin na ang magsasama-sama sa gym sa 16. Siguradong masaya yun!
"Edi Mam, paano po pala yung exchange gifts?", tanong ni Kashmir.
"Yung exchange gifts ay by section parin siyempre. And that must be worth of 300 pesos--"
"Eh Mam, wala naman ng mabibili sa 300 pesos ah?", reklamo ng isa sa mga kaklase ko.
"Marami pang mabibili dun. Kung wala talaga, edi bahala na kayo sa presyo ng ipapangregalo niyo.", utas ni Mrs. Infante sa'min.
"Now I want you to get 1/8 sheet of paper. Mag-isip kayo ng unique codename at yun ang isulat niyo sa papel niyo.", sabi niya pa.
Mabilis kong sinulat sa kapirasong papel ang unang pangalang sumagi sa isip ko.
'Blue'
Gusto ko yung naisip ni Mam na ganito. May pagkamisteryoso ang dating. 'Di kagaya sa naging Year End Party namin noon na pangalan talaga namin ang isinusulat. Si Jake ang nakabunot nun sa'kin at ang natanggap ko galing sa kaniya ay isang dosenang panty. Muntik na yatang matanggal yung ulo niya nun sa lakas ng pagkakadagok ko. Psh!
Kinolekta ni Mam yung papel at inilagay sa isang kahon. Inalog niya ito saka niya ibinigay sa mga nakaupo sa unahan. Nang makarating yung kahon sa'kin ay bumunot ako at agad itong binuklat.
Napangisi ako nang mabasa ang nakasulat sa papel.
'spongebob'
Mukhang alam ko na kung sino ang reregaluhan ko.
"At bago ko pa makalimutan, nagkasundo kami nila Miss Lee na magkakaroon ng performance ang bawat section. Any volunteer from the class?", ani niya.
Maraming nagtaas ng kamay pero namili lamang si Mam ng mga magpeperform. Marami siyang tinawag sa klase pero isang pangalan lang talaga ang natandaan kong tinawag niya. Pinili niya si Angela.
BINABASA MO ANG
That Girl is Different
Fiksi RemajaFirst love never dies. Yan ang napatunayan ni Kenneth Fuertes nang maranasan ang ikalawang heartbreak. Bumalik sya sa una nyang minahal hindi dahil sa mahal nya din ito gaya ng pagmamahal nya sa pangalawa nyang naging girlfriend kundi dahil kahit pa...