Chapter 38
Bar
[ Khen's Pov ]
Hindi ko alam kung may mas wiwirdo pa ba sa ngiting ipinapakita ko sa harap ng mga magulang ni Eryel ngayon. Kasundo ko ang Mommy niya pero hindi ang Dad niya. Kumpara kasi kay Tita Kris na palangiti, laging nakakunot ang noo ni Tito Ernest. At isa pa, pangalawang beses ko lang siyang makita sa bahay nila. He must be busy handling their family business.
"I'm still surprised to see you two together. Ang buong akala ko ay matatapos na ang sa inyo nung umalis si Eryel ng hindi sinasabi sa'yo. It must be fate.", aniya bago matamis na ngumiti sa'min. I heard Eryel giggled.
"Mommy. Tama na. Move on na.", aniya pa bago tumawa.
"Nakakatuwa lang talagang isipin na sa tagal mong nawala eh single parin 'tong si Kenneth.", bumaling siya sa'kin kaya natigilan ako. "Tell me Kenneth, wala ka bang ibang nagugustuhan bukod sa anak ko?", tanong niya.
Kung posible mang bumulwak ang lupa ay magpapalamon ako rito. How am I suppose to answer her question? Ayokong magsinungaling sa kanila pero ayoko ring sabihin ang totoo. Kung susubukan kong magsalita, siguro ay magkakandabuhol lamang ang dila ko. Kaya nung tumunog ang cellphone niya ay ilang beses akong nagpasalamat sa isip. Thank God! That was close!
Nag-excuse si Tita Kris bago umalis sa harap ng mesa. Uminom ako ng juice bago nadako ang tingin ko kay Tito Ernest na masinsinan akong tinitignan.
Napaubo ako sa pagkailang. Tinapik ako ni Eryel sa likod at nagpasalamat sa kaniya.
"Dad naman kasi kung makatingin eh.", untag ni Eryel na hindi naman pinansin nito.
Natapos ang pagkain namin sa ganoong scenario. Lihim na napabuga ako ng hangin dahil sa wakas ay tapos na iyon.
"Alam mo matagal ko nang napapansin yan.", ani Eryel habang tinatahak ang lugar na pinaglalagyan ng gitara niya.
"Ang alin?", tanong ko bago naupo sa kama niya.
"Hindi mo nilalapat ang pinto.", sabi niya. Napangiti nalang ako at hindi sumagot. Nang marinig ko siyang kumanta ay napaayos ako ng upo. Since when did she learn the guitar?!
"Gulat ka 'no? Halata eh.", sabi niya bago tumawa.
"Ang galing mo na.", puri ko. I saw her cheeks blushed kaya bahagya kong kinurot iyon.
"Well. Pinag-aralan ko talaga. Sa youtube lang ako natuto.", and she smiled.
"Ah! Oo nga pala!", aniya na parang may naalala. Tumingin siya sa damit ko bago tumayo.
"Ngayon tayo pupunta sa Bar na pinagtatrabahuhan ni Angela! Teka magbibihis lang ako. D'yan ka lang!", mabilis siyang kumuha ng damit at nagdiretso sa banyo.
What the hell?! Anong pupunta sa bar? Ba't 'di ko alam yun?!
Kinuha ko ang cellphone ko bago dinial ang number ni Symon. Sinagot niya iyon matapos ang ikalawang ring.
[Hello loves!], bungad niya. Napapilantik ako.
"Pupunta ba sa Bar ngayon? Ba't 'di ko alam?", narinig ko ang mura ni Symon sa kabilang linya bago sinagot ang tanong ko.
[Bawal pangit dun. Ge bye. Inaabangan ko tawag ni Nica eh. Ciao!], mabilis niyang sabi bago pinutol ang tawag.
Napasabunot ako sa sarili ko bago nakapameywang na tumayo. After who-knows-how-many-days ay magkikita na kami ni Angela. Ang madalang na pagkikita namin ay nawala na nang tuluyan ngayon. We just communicate each other through phone and we see each other through skype. Para kaming nasa long distance relationship but I knew better. Naging ganito dahil sa pagbawi ko kay Eryel.

BINABASA MO ANG
That Girl is Different
JugendliteraturFirst love never dies. Yan ang napatunayan ni Kenneth Fuertes nang maranasan ang ikalawang heartbreak. Bumalik sya sa una nyang minahal hindi dahil sa mahal nya din ito gaya ng pagmamahal nya sa pangalawa nyang naging girlfriend kundi dahil kahit pa...