Chapter 34
Teardrops
[ Angela's Pov ]
Kung itatanong niyo kung ano ang pakiramdam na boyfriend si Kenneth, hindi ako magdadalawang isip na sabihing masaya—superlative! May one month na rin ang nakalipas mula nung sinagot ko siya at masasabi kong wala namang nagbago, ahh actually meron pala! Kung dati sweet siya, caring, thoughtful and all, 'mas' na ngayon. Lumelevel up!
"Gel, restroom tayo?", tumango ako sa pag-aaya ni Jenny. Nagpaalam muna kami kay Ate Angela,—kambal tuko ko na ahead sa'min ng one year, and president ng org na sinalihan namin— bago umalis.
"Hindi ko alam na pwede palang pumasok ang mga outsiders dito. Kasi sa Aurum naman hindi ganun diba?", tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.
"Pero pinapapasok parin naman sila basta may kapit.", sabay kaming natawa sa sinabi ko.
"Seriously besty? Iba na yang mga term mo ha? Ganyan ba ang tinuturo ni Kenneth sa'yo?", tanong niya. Napanguso nalang ako. Napatingin ako sa babae sa gilid ko. Pinanuod ko lang siyang maglagay ng powder at lipgloss. Hmm.
"Besty, peram powder?", pinagkunutan ako ng noo ni Jenny pero hindi ko nalang pinansin. Marahil kasi ay nagtataka siya dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nanghiram ako sa kaniya ng ganun.
Inabot niya sa'kin ang foundation niya. Mabilis naman akong umiling.
"Not that besty. Polbos lang.", I said half smiling. Napangiwi kasi siya sa sinabi ko.
"Hay naku Angela! Kailangan mo na talaga matuto gumamit ng make ups!", aniya bago umirap. Tinawanan ko lang siya bago naglagay ng polbos sa palad.
"Now let me put this on.", iniharap niya ako sa kaniya bago ipinakita ang lipgloss na hawak. Umatras ako bago umiling.
"Ayoko niyan!"
"Sige na besty! Ito kamo! Minsan lang eh.", sabi niya bago nagpapadyak ng paa.
"Oo na! Matigil ka lang d'yan."
Napapalakpak siya sa sinabi ko. Hinila niya ako papalapit sa kaniya saka hinawakan ang baba ko.
"Wag marami ah!", sabi ko pa. Ngumiti siya at tumango.
Naramdaman ko ang banayad na pagdampi ng brush sa lower lip ko, hanggang sa upper lip. Ang galing. Parang nagpepaint lang sa lips ko ang kaibigan ko! Hehe.
"Done!", aniya bago malawak na ngumiti.
Automatic na humarap ako sa salamin para icheck ang itsura ko. Wala namang pinagbago maliban sa pagkintab ng labi ko na medyo pumink na ngayon. Pero "Ang cute."
![](https://img.wattpad.com/cover/4194539-288-k282859.jpg)
BINABASA MO ANG
That Girl is Different
Ficção AdolescenteFirst love never dies. Yan ang napatunayan ni Kenneth Fuertes nang maranasan ang ikalawang heartbreak. Bumalik sya sa una nyang minahal hindi dahil sa mahal nya din ito gaya ng pagmamahal nya sa pangalawa nyang naging girlfriend kundi dahil kahit pa...