Chapter 14
[ Third Person's Pov ]
Matapos ang insidente sa bahay ng mga Esmana ay tila bumerang na bumalik kay Kenneth ang pangyayaring unti-unting magbabago sa buhay nya. Yun ay ang pag-alis ni Eryel sa Pilipinas.
"May usapan tayo Yel. May usapan tayo!", asik niya sa hangin habang nakatanaw sa maalong dagat.
Naisapo niya ang kanyang dalawang palad sa noo pagkaraan ay napasabunot sa sarili.
"This is b*llsht!", makailang beses na mura niya. Sapat na ang lakas nito para marinig ng babaeng palaging nakamasid sa kanya.
"Kenneth.", bulong nito sa hangin habang nakatanaw sa nakatalikod na lalaki. Gamit ang puting panyo ay pinunasan niya ang luhang nakatakas sa kanyang mga mata.
"Hanggang kailan ka ba magkakaganyan?", muli niyang bulong sa hangin bago malungkot na ngumiti.
[ Khen's Pov ]
Mabilis kong pinahid ang luhang tumakas sa mga mata ko gamit ang likod ng palad ko. Nang mapagtanto ko ito ay agad akong napamura. Fck! This is so gay! I should have not shed a tear for her. Pero ano 'to?
I feel so weak, vulnerable and all. Pcha!
First love, first heartbreak!
Kung alam ko lang na ganito kasakit yung pakiramdam ng maiwanan, edi sana.. Tsk! G*dd*mn it!
Tumayo ako at unti-unting lumapit sa tubig. I need to relax my thoughts for a while and water could do it. Hanggang binti ko na ang lebel ng tubig nung oras na yun pero nang ihahakbang ko nang muli ang kanang paa ko, naramdaman kong may humablot sa kaliwang braso ko kaya napaatras ako palayo sa tubig.
Tinignan ko kung sino ang gumawa nun at napatanga nang makita ang babaeng hindi ko inaasahang magagawi rito.
Si Angela.
"Ano bang ginagawa mo Kenneth! May balak ka bang magpakamatay?!"
Napatawa ako sa tanong n'yang iyon. Ako? Magpapakamatay? Psh! I am not a fool to waste my life because of heartbreak! Nagpapatawa ba s'ya?
"Bitiwan mo nga ako Angela! Saka ano ba 'yang sinasabi mo? Ako? Magpapakamatay? Sira ka ba?", ganting tanong ko sa kanya bago kumawala sa pagkakahawak n'ya sa braso ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/4194539-288-k282859.jpg)
BINABASA MO ANG
That Girl is Different
Teen FictionFirst love never dies. Yan ang napatunayan ni Kenneth Fuertes nang maranasan ang ikalawang heartbreak. Bumalik sya sa una nyang minahal hindi dahil sa mahal nya din ito gaya ng pagmamahal nya sa pangalawa nyang naging girlfriend kundi dahil kahit pa...