Chapter 29: Chance

449 49 1
                                    

Chapter 29


Chance


[ Dominic's Pov ]


"What the- Nic!"


Natawa ako nang makita ang gulat na ekspresyon ni Symon nung makita niya ako sa cottage nila Jek. Medyo matagal na rin akong nakatambay rito dahil inaabangan ko ang paglabas ni Angel. Pwede naman akong dumiretso nalang sa loob pero pinili ko na lamang na rito maghintay.


"Bro.", bati ko bago nakipagbro-fist sa kaniya.


"Kanina ka pa d'yan? Ba't 'di ka pumasok? Teka nag-almusal ka na ba?", sunud-sunod niyang tanong. Natawa ulit ako bago itinaas ang dalawa kung kamay na parang sumusuko.


"Whoah there. Wag kang mag-alala. Namiss din kita.", sabi ko. Pabiro niya akong sinakal.


"Ba't nga pala ngayon ka lang?"


Kumunot ang noo ko sa tanong niya hanggang sa naalala ko nalang na tinanong na rin sa'kin yun ni Angel kagabi.


"I wasn't informed.", sabi ko.


"Si Angel pala?", pag-iiba ko ng usapan.


"Tsk. Naku! Naku! Hindi talaga ako masanay sanay sa Angel na yan. Tara sa loob.", sabi niya bago nagpatiuna papunta sa loob ng bahay. Nakasunod lang ako sa kaniya. Alas sais palang ng umaga kaya hindi na nakapagtataka na wala pa sila Khen at Jek sa paligid.


Dinala ako ni Symon sa kusina. Naabutan namin sila Angel na nagluluto ng almusal. Umupo ako sa stool at pinanuod lang siya magluto. I'm starting to love the view kaya hindi ko namamalayan na napapatagal na pala ang titig ko sa kaniya.


"Uy Dominic."


Napatikhim ako at inayos ang sarili ko. Muli akong tumingin kay Angel saka siya nginitian.


"Good morning.", bati ko.


"Good morning.", bati niya pabalik bago ngumiti.


"Ngayon na ba tayo bibili? Ang aga ah?", tanong niya na nakakuha ng atensyon ni Jenny.


"Wait! Saan kayo pupunta?"


"Ah- sasamahan ko lang bumili ng damit si Dominic. Sama ka?"


"Ay ganun ba? Hindi na. I don't feel like going out eh. Haha! Kayo nalang!", sabi ni Jenny bago umalis sa harapan namin para ihanda ang hapagkainan.


"Ako na d'yan.", sabi ko kay Angel nung bubuhatin niya yung bowl na may laman na fried rice.

That Girl is DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon