Chapter 37: Her reasons

72 5 0
                                    

Chapter 37


Her reason


 [ Khen's Pov ]


Marami na nga talaga ang nagbago simula nang nagpakita sa amin si Eryel. Hindi na talaga kami nagkaroon ng oras ni Angela na kaming dalawa lang dahil sa kaniya. Palagi siyang nasa bahay kaya tanging text nalang ang nagagawa ko para kay Angela. Hanggang ngayon ay wala paring alam si Eryel sa'min ni Angela. Hindi rin naman pala kasi nabanggit ni Mommy kay Eryel ang tungkol doon. Mukhang hindi niya rin malalaman iyon dahil ayaw ipaalam sa kaniya ni Angela. 


Napabuntong hininga ako bago ginulo ang buhok ko. Namimiss ko na ang Manang na 'yon.


Masyadong okupado ang isip ko kaya nang maramdaman ko ang labi ni Eryel sa pisngi ko ay nabalik ako sa pagkakaupo ko kanina.


"Eryel 'wag ka ngang nanggugulat.", sabi ko bago umayos ng upo. 


Simula nang dumating siya ay palagi niya nalang iyon ginagawa. Ang paghalik sa pisngi ko. Believe me, hindi iyon maganda sa pakiramdam. 


"Sorry. Namiss lang kita.", aniya bago ngumiti.


Kumunot ang noo ko. "Magkasama lang tayo kagabi ah?", sabi ko saka muling tumayo para kuhanin ang cellphone sa ibabaw ng kama.


Nagcheck ako ng mga unread messages at inuna kong basahin ang kay Angela. Bubuksan ko palang ito ay tumunog na ang ringtone ko. Tumatawag si Angela!


"Gel."


[Uy nasaan ka na? Kanina pa kaya kita hinihintay.]


"Ha? Teka. Teka lang. Hang on.", binuksan ko ang calendar apps sa cp ko para alamin kung anong petsa ngayon. Napamura ako nang malaman na ngayon yung usapan namin ni Angela na papanuorin yung bagong labas na movie sa mall.


"Kenny, nagcocompose ka palang kanta?", ani Eryel kaya tinakpan ko ang mouthpiece ng phone bago lumapit kay Eryel at kinuha ang big notebook ko.


[Ka-kasama mo pala si Eryel. Papasama nalang ako kay Jenny.], aniya bago naputol ang tawag.


"Gddamn it!", dinampot ko ang unan sa kama bago ibinato iyon sa kung saan. Umupo ako at muling napasabunot sa sarili.


"Khen?", tawag ni Eryel pero hindi ko iyon pinansin.


"Khen may problem—"


"Ba't ka pa kasi bumalik?!"


"Ke-Kenneth.."


Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili. Kung hindi ako kakalma ay baka kung ano pa ang masabi ko sa kaniya. Tumalikod ako sa kaniya para pumunta sa veranda pero hindi ko pa man tuluyang naihahakbang ang mga paa ko ay narinig ko na ang paghikbi niya.


Napakagat labi ako sa inis. Inis na nararamdaman ko para sa sarili ko.


"Huwag kang umiyak Yel.", sabi ko bago napapikit. Damn!


"Sorry Kenneth. Sorry kung umalis ako nang hindi nagpapaalam. Sorry. Please, huwag ka namang magalit sa'kin oh?", she said between her sobs. 


Matapos niyang sabihin iyon ay bumalik sa'kin lahat ng ala-ala nung mga panahong miserable pa ako. Yung oras na wala akong pakialam sa mga tao sa paligid ko at maging sa sarili ko. Yung araw na tinanong ko ang sarili ko kung may nagawa ba akong mali para iwan niya nalang ng basta basta? Yung panahon na nawasak ang puso ko sa unang pagkakataon nang dahil sa kaniya. 


"Hindi mo alam kung ano ang nangyari sa'kin nung umalis ka nang wala manlang pasabi!", I paused and calmed myself. Kung kakausapin ko siya nang mataas ang boses ay baka marinig kami ni Mommy sa baba, hindi kasi nakalapat ang pinto. Isa pa, baka sa lakas ng boses ko ay magfreak out si Eryel. Hell, sue me for being concerned about that.


Mula sa pagkakatalikod ay humarap ako sa kaniya. Nagtagpo ang mga mata namin. Yun yung mga sandali na sising sisi ako dahil humarap pa ako sa kaniya. Seeing how red her nose and how wet her cheeks are makes me want to punch the hell out of me. Kung ako yung Kenneth noon, siguro ay kinulong ko na siya sa mga bisig ko at inaalo siya. 


"I'm sorry for leaving you without a word! Wala akong choice Kenneth!"


"Walang choice?", ngumiti ako nang hindi umaabot sa mga mata ko.


"Wala kang choice kaya iniwan mo nalang ako nang ganun ganun nalang? Ganun ba yun? At pagkatapos babalik ka na parang walang nangyari? Na parang wala kang nasaktan?"


Ha-ha! Walang choice! She left me because she had no fcking choice! Sarap manuntok! Sht!


Galit ako kay Eryel, oo. Galit ako dahil umalis siya. Galit ako dahil bumalik pa siya gayong masaya na ako ngayon. Nagagalit ako dahil ginulo niya ang nararamdaman ko ngayon. 


Pero lahat ng iyon ay nawala nang marinig ko ang mga sumunod na lumabas sa bibig niya.



"May sakit ako Kenneth. Sa States ko ginustong magpagaling para malayo sa'yo. Hindi ko sinabi dahil alam kong maghihintay ka. I was suffering physically, mentally and emotionally knowing that you might get yourself miserable because of me, because I left you. But I take those as my cue to push myself to be fine. You know how much I hate to be confined to hospital, alam mo rin na ayaw na ayaw ko ang pag-inom ng gamot pero ginawa ko parin ang mga ayaw ko para maging mabilis ang paggaling ko Kenneth. It was all because of you! I'm sorry! I'm really sorry! Maiintindihan ko kung hindi na natin maibabalik yung dati but please, don't hate me."


Hearing her reasons left me out of words. It hurts knowing that she was suffering when I was busy hating her. 


I felt the building of guilt inside me seeing her in pain. I hate myself for being insensitive! Ni hindi ko manlang nagawang alamin ang rason niya!


Lumapit ako kay Eryel saka siya niyakap. 


I'm sorry Yel. I'll make it up to you this time, I promise.

That Girl is DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon