Chapter 5: Argumentation

747 76 44
                                    

Chapter 5

Revised & Edited

Argumentation

 [ Khen's Pov ]

Ngising-ngisi si Jek habang inaasar si Symon patungkol sa panliligaw n'ya kay Jennica. May isang buwan na din kasi simula nung humingi s'ya ng permiso sa babae na manliligaw s'ya pero wala parin namang improvement! Haha. Ang hina rin ng isang 'to. Palibhasa nga naman ito ang unang beses na s'ya ang unang nagbigay ng motibo.

"Pustahan! 'di mo mapapasagot yan!", ani ni Jek kay Symon.

"Pwede ba Jake, wag mo ngang ginagawang sugal yung panliligaw ko kay Nica!", singhal ni Symon kay Jek.

"Eto, pupusta ako na makakarma si Jake sa pang-aasar n'ya sa'yo.", singit ko sa pagtatalo nila.

"Whooh!", hiyaw ni Symon bago nakipaghighfive sakin. "Yun sana!", aniya bago nagtatawa.

Ngumisi ulit si Jek bago nagsalita. "Uy Symon. Huling tawa mo na yan ah!", aniya.

Napailing nalang ako.

Mga baliw talaga.

"Teka, si Nic nga pala?", tanong ni Symon kay Jek bago bumaling sa'kin.

Nagkibit-balikat lang ako. Malay ko ba kung san naglalagi ang isang yun. Sa aming tatlo nila Mon, ako ang pinakanakakasundo ni Dominic pero gayunpaman, hindi ko parin alam kung ano ang mga pinagkakaabalahan ng isang yun.

"Puntahan kaya natin sa kanila?", suhestyon ni Jek na sinang-ayunan naman ni Symon. Tumango ako nang magawi ang tingin nila sa'kin. Wala naman akong gagawin kaya mabuti pa ngang sumama nalang ako sa kanila.

- - -

Gamit namin ang kotse ni Symon papunta sa village ng mga Guanzon. Nakaupo ako sa shotgun seat habang yung dalawa naman ay nasa passenger seat na nagkakasatan na parang mga bata.

Ipinasok ng driver ang kotse sa gate at inihinto ito sa bukana ng pinto ng bahay nila Nic. Sabay-sabay kaming bumaba at pumasok sa loob. 

Mayordoma ng bahay ang sumalubong samin. Ibig sabihin lang nun, wala ang mga magulang ni Dominic dito kaya sa kanya ko na itinanong kung nasa loob ba si Dominic.

That Girl is DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon