Chapter 35
It's her
[ Khen's Pov ]
Nakasandal lang ako sa kotse habang nilalaro sa aking mga daliri ang hawak kong susi. Dad allowed me to drive since I have my student's license. Mabuti na rin yung ganun, para naman magkaroon kami ng alone time ng girlfriend ko.
"Ang tagal mo.", biro ko kay Angela pagkalabas niya ng bahay. Pinasadahan ko pa ng tingin ang suot niya at napangiti nang makitang disente ito. Well, lagi naman.
Pinagbuksan ko siya ng pinto. "Pasensya naman. Ang kulit ni Kuya eh.", sabi niya bago pumasok sa loob.
"Ano nanaman bang iniiyak ni Kuya mo?", tanong ko. Napatawa pa ako nang makita ang reaksyon niya sa sinabi ko.
I, and Jeremy are in good terms now. Nagsasalita lang ako ng ganun para biruin si Angela and it works.
"Naku ha! Nagsisimula ka nanaman."
"Biro lang. Sorry.", sabi ko.
Umirap siya bago ipinagkrus ang braso. Kaya niya nang magtaray at nasasanay na ako ro'n.
"Ayaw niya ng regalo. Ayaw niya kasing nireregaluhan siya."
Tss. Pachics din yung isang iyon eh.
"Bibili ka parin ng panregalo kahit alam mong ayaw niya?"
"Oo naman. Nahihiya lang yun kaya sinasabi niyang ayaw niya."
Napailing nalang ako sa bagong impormasyon na nalaman ko patungkol sa kapatid ng girlfriend ko. Pareho lang kasi sila. Pareho silang malabo. Si Jeremy, ayaw ng regalo dahil nahihiya raw. Feeling chics. Ito namang si Angela, ayaw magpalibre dahil may pera naman daw siya. Tss.
Tahimik lang kami buong biyahe dahil ayaw makipag-usap ni Angela sa'kin habang nagdadrive ako. Salamat sa radyo dahil kahit papaano ay naiwasan ko ang mabingi dahil sa katahimikan ng babaeng ito.
Matapos kong maipark ang kotse ay mabilis akong lumabas para pagbuksan ng pinto si Angela. Nakakunot ang noo niya nung pasalamatan niya ako kaya bahagya kong iyong pinitik.
"Seryoso mo Manang."
Napasimangot siya sa sinabi ko.
"Nag-iisip ako ng ireregalo. Babalu.", ganti niya. Napatawa lang ako bago umakbay sa kaniya.
Ang naging tuksuhan namin ay nagsilbi na ring 'endearment' sa isa't isa. I know it sounds gay but it is really sweet. And yeah, it's kinda weird.
"Sa third floor tayo. Marami kang mapagpipiliang ireregalo kay kuya mo. Tara.", sabi ko bago siya inaya sa elevator. Nakakapit lang siya sa braso ko hanggang sa makarating kami sa third floor. Tss. Hindi parin siya sanay sa elevator.
BINABASA MO ANG
That Girl is Different
Fiksi RemajaFirst love never dies. Yan ang napatunayan ni Kenneth Fuertes nang maranasan ang ikalawang heartbreak. Bumalik sya sa una nyang minahal hindi dahil sa mahal nya din ito gaya ng pagmamahal nya sa pangalawa nyang naging girlfriend kundi dahil kahit pa...
