Chapter 42
[ Angela's Pov ]
Buong araw ako nagkulong sa bahay. Walang cellphone, walang laptop, walang TV, wala kahit ano. Hindi ko alam na makakaya kong magpalipas ng oras sa simpleng pagtitig lang sa kisame.
Ipinikit ko ang mga mata ko na mabilis ko rin namang idinilat. Ayokong pumikit dahil naaalala ko lang ang mga bagay na hindi ko dapat inaalala.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko pero hindi ko pinansin. Kahit simpleng paglingon ay tinatamad kong gawin.
Narinig ko ang mga yabag na papalapit sa'kin. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko si Kuya na nasa batok ang dalawang kamay. Nakatingin sa kisameng tinititigan ko.
"Ba't hindi mo pa bitawan kung nasasaktan ka na?", tanong ni Kuya. Bumuntong hininga ako bago tinakpan ng unan ang mukha ko.
Naramdaman ko ang pag-upo ni Kuya sa gilid ng kama ko. Tinanggal niya ang unan na nakatakip sa mukha ko bago humiga sa tabi ko.
"Remember those days when I and Pops are the only dude in your life? You seem contented and happy. Shall we bring back those days now?", tanong niya.
Nilingon ko siya at napangiti nalang.
"Last na Kuya. Ikaw na ang bahala sa susunod.", sabi ko bago yumakap sa kaniya.
Hahayaan ko nang makialam si Kuya. Hahayaan ko na siya.
Hapon na nang magising ako na wala na si Kuya sa tabi ko. Nag-ayos ako ng sarili bago lumabas at sa pagbukas ko ng pinto ay si Kenneth kaagad ang bumungad sa'kin.
"A-ayain lang sana kitang lumabas?", aniya bago nagkamot sa likod ng kaniyang ulo.
Napabuntong hininga ako bago mabilis na ngumiti. "Sure!"
Ngumiti siya pabalik bago kinuha ang kamay ko.
Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya.
"Ito na ba ang huling pagkakataong mahahawakan ko ito ng ganito?"
Pasimpleng iginilid ko ang ulo ko. Ganito ba talaga kapag desedido na gawin ang isang bagay?
Pinakiramdaman ko ang tibok ng puso ko.
Tulad nung una, mabilis parin ang pagpintig nito sa tuwing ganito siya kalapit sa'kin.
Nilingon ko siya at pinagmasdan ang mukha niya. Mula sa maayos niyang buhok, sa magandang kilay, sa chinitong mga mata na gustung gusto kong titigan, sa matangos niyang ilong, sa manipis niyang labi at sa baba niya na lagi kong tinatawanan.
BINABASA MO ANG
That Girl is Different
Fiksi RemajaFirst love never dies. Yan ang napatunayan ni Kenneth Fuertes nang maranasan ang ikalawang heartbreak. Bumalik sya sa una nyang minahal hindi dahil sa mahal nya din ito gaya ng pagmamahal nya sa pangalawa nyang naging girlfriend kundi dahil kahit pa...