Chapter 10: Good Sign or Not?

590 64 15
                                        

Chapter 10

Good Sign or Not?

 [ Angela's Pov ]

[Really?! It was a good sign of friendship! Baka naman gusto ka na n'yang maging kaibigan!]

Napasimangot ako sa sinabi ni Jenny. Good sign? Good sign ba yung hindi ako pinapansin ni Kenneth? Imposible naman yun. Aish! Ba't kasi naging ganun yun?

Nung isang araw, nung hinatid n'ya ako. Nung nagpasalamat ako dahil sa hinatid n'ya ako, normally, ang isasagot ng isang Kenneth Fuertes ay, "Salamat dahil nakaabala ka." o kaya "Malaki ka na, kailangan ba talaga ihatid ka pa?" pero bakit ang isinagot n'ya..

"Welcome. Ge."

Hindi kaya, nagalit yun sa'kin dahil sa mga nasabi ko nung nakaraang araw. Hindi kaya, nagdamdam yun? Posible! Posible namang ganun nga yun diba?!

[Oy, besty. I'll hang up na! Hindi ka na kasi nagsasalita d'yan. Kinakausap mo nanaman yung konsensya mo 'no?]

Napanguso ako sa sinabing iyon ni Jenny. "Sige. Ganyan ka na. Palibhasa may boyfriend ka na d'yan eh."

[Asus. Magboyfriend ka na rin kasi!], suhestyon ni Jenny. Napasinghap tuloy ako.

"Boyfriend ka d'yan!", wala sa loob na  napasigaw ko. Kaya ganun nalang ang gulat ko nang may marinig na nagsalita sa may likuran ko.

"Sinong boyfriend mo?"

"K-kuya!"

Humakbang s'ya papalapit sa akin saka kinuha ang cellphone ko. Inilapit nya iyon sa tenga n'ya.

"Sino kamong boyfriend ni Angela?", tanong ni kuya. Nananatili parin ang mga mata niya sa direksyon ko.

"Wala naman eh!", sagot ko. Napatulala nalang ako nang biglang ngumisi si kuya.

"Kenneth pala ha.", ani niya na ikinalaglag ng panga ko.

"Hindi ko sya boyfriend!", ani ko habang pilit na inaabot ang cellphone sa nakataas n'yang kamay.

"Kala ko pa naman yung Dominic na yun na ang boyfriend mo.", panunukso niya pa.

That Girl is DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon