Chapter 23
Question to be Answered
[ Khen's Pov ]
Napasabunot ako sa sarili ko nang dahil sa inis! Kailan lang kami nakapag-ayos ni Angela at eto nanaman ngayon. May aayusin nanaman akong away na hindi ko naman sinasadyang nasimulan!
"Walang sapat na dahilan para saktan ng lalaki ang babae.."
Napamura ako nang maalala yung sinabi ni Dad sa'kin nung nakaraan. Ginawa ko nanaman ang hindi ko dapat na ginawa. Tch!
Inis na tumayo ako saka kumuha ng jacket at isinuot iyon. Pupunta 'ko kila Angela at hihingi ng tawad sa kaniya. Wala akong pakialam kung alas dyes na ng gabi ngayon. Mas nag-aalala ako sa posibilidad na baka mapuyat ako nang dahil sa away na 'to. Sigurado na kasi akong hindi ako makakatulog pag ganito ang sitwasyon.
Malapit lang sa'min ang bahay nila Angela kaya naglakad lang ako papunta dun. Nang makaliko sa kanto malapit sa kanila ay napahinto ako. May natanaw kasi akong kotse sa tapat ng bahay nila Angela. Sigurado akong kilala ko ang nagmamay-ari ng kotseng iyon!
Nagkatotoo ang hinala ko nung may lumabas sa gate ng bahay. Tanaw na tanaw mula sa kinatatayuan ko yung ngiting iginagawad ni Angela kay Nic. Tsk! Ano naman kaya ang sinadya ni Nic kila Angela? Bakit inabot siya ng ganitong oras? Pch!
Nagtago ako sa poste nung dumaan ang kotse. Hinintay ko munang mawala ito sa paningin ko bago ako lumabas sa pinagtataguan ko.
Pumunta ako sa tapat ng bahay nila Angela at pinindot ang doorbell. Pagkalipas ng ilang segundo ay bumukas na ang gate.
"Ba't bumalik k--- K-kenneth? A-anong ginagawa mo dito?", gulat niyang tanong nang makita niya ko. Psh! Mapagkakamalan pa 'kong si Nic! 'Di hamak naman na mas gwapo ako dun!
Bumuntong hininga ako bago sinabi ang pakay ko.
"Sorry."
"H-ha? A-anong--"
"Sorry sa mga nasabi ko kanina."
"Pu-pumunta ka rito para lang sabihin yan?"
"Bakit nila-lang mo lang yung sinabi ko? Hindi mo ba alam na nilunok ko na yung pride ko para lang sabihin yun sa'yo?", inis kong sabi.
"Oh? Eh ba't nagagalit ka nanaman d'yan?"
BINABASA MO ANG
That Girl is Different
Novela JuvenilFirst love never dies. Yan ang napatunayan ni Kenneth Fuertes nang maranasan ang ikalawang heartbreak. Bumalik sya sa una nyang minahal hindi dahil sa mahal nya din ito gaya ng pagmamahal nya sa pangalawa nyang naging girlfriend kundi dahil kahit pa...