Chapter 45: Ruin

99 5 1
                                    


Chapter 45


Ruin



[ Angela's Pov ]


Umupo ako sa gilid ng hospital bed saka pinagmasdan ang pag-ikot ng kamay ng orasan na nakasabit sa pader ng silid.


May 20 minutes na rin ang lumipas nung lumabas si Kuya para makapagpaalam kila Papa. Hanggang ngayon ay wala pa siya.


Tinignan ko ang cellphone ko nang magvibrate iyon. Maraming missed calls at unread messages na galing kay Kenneth, but this time, kay Eryel.



Napabuntong hininga nalang ako bago ito ibinalik sa bulsa.



Napalingon ako sa pinto nang bumukas iyon. Naunang pumasok ang kapatid ko, sumunod ang Mama at Papa.


Tumayo ako.


"Mag-iingat kayo.", ani ni Mama.


"Bantayan mo yang kapatid mo Jeremy.", may pagbabanta sa boses ni Papa.


Tumango si Kuya. Nun ko lang napansin ang lukot sa polo niya pero ipinagkibit balikat ko nalang iyon.


Lumabas si Kuya. Sumunod lang ako sa kaniya.


Tahimik kaming pumunta sa sasakyan. Pati sa biyahe ay tahimik lang din kami. Ipinagpapasalamat ko nalang na bukas ang radyo dahil kahit papaano ay natatabunan ng awitin ang katahimikan sa loob ng kotse.



"Angela, iha, si Kenneth na ata iyong naglalakad."


Tinignan ko kung si Kenneth nga yung tinuro ni Kuya Dan. Nang masiguradong siya nga, pinahinto ko kay Kuya Dan ang kotse.


Pinagmasdan ko siya mula sa ilang metrong distansya. Pinanuod ko ang bawat galaw niya. Ang bawat kislap sa mga mata niya.



Pumikit ako at muling pinakiramdaman ang puso ko.


Walang nagbago.



"Desedido na akong makipaghiwalay Kuya, pero ngayong nakita ko na siya, parang ayoko na. Ayoko nang ituloy."


Pinunasan ko ang luhang nakatakas mula sa mata ko.


Kinuha ni Kuya ang kamay ko saka iyon pinisil.



"Angela, you're heart is too weak now. Kung hindi ka makikipaghiwalay ngayon, let's say you'll smile and laugh with him but there will always be pain and struggles to come between the two of you. Sa tingin mo ba makakaya pa ng puso mo harapin yung sakit?"

That Girl is DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon