Chapter 41
Pag-iisa
[ Khen's Pov ]
Hinarap ako ni Angela na hanggang ngayon ay namumula parin ang magkabilang pisngi. Alam kong nahihiya siya sa ginawa niya. Hindi naman kasi siya yung tipong kayang umakto ng normal matapos ang ganung inasal niya. Tss. Kung ba't ba naman kasi ginawa niya iyon.
"Oh ano? Take two?", pang-aasar ko. Umiwas lang siya ng tingin. Napatawa ako.
"Inaya nga pala ako ni Eryel. Maligo raw ng ulan.", nakita ko ang pagtango niya habang nagsasalita ako.
"Gusto mong sumama?", tanong ko.
Mabilis siyang umiling.
"May gagawin pa 'ko eh. Kayo nalang.", ngumiti siya. A genuine smile it is.
"Ano namang gagawin mo?"
"Secret.", sabi niya.
Napangisi ako.
"Meron naman talaga akong gagawin ah!", sabi niya pa. Itinaas ko ang dalawang kamay saka tumawa.
"Alright. Sabi mo eh."
Huminga ako ng malalim bago hinawi ang buhok niya at inilagay iyon sa likod ng kaniyang tenga. "Alis na ako."
I placed my arms around her waist and rested my head on her shoulder. Oh god. Ayoko pang umalis!
"Kenneth?"
"Hmm?"
"Natutusok ako ng baba mo."
Napa'tsk' ako bago humiwalay sa kaniya.
"You really spoiled the moment, Manang.", sabi ko bago sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri.
"Eh kailangan mo nang umalis eh.", sabi niya pa bago tumawa.
I shook my head as I cupped her face and gave her a peck that made her stunned.
Muli ko siyang hinalikan ng mabilis sa labi saka ako nakatanggap ng batok sa kaniya.
"What the he--"
Her lips stopped the curse from coming out. Napangisi nalang ako nang makita ang pag-irap niya. Alright Angela. I'll let you act that way. Basta ba sa'kin lang.
Tumayo siya at naglakad papunta sa pinto. Huminto siya para lingunin ako.
BINABASA MO ANG
That Girl is Different
Teen FictionFirst love never dies. Yan ang napatunayan ni Kenneth Fuertes nang maranasan ang ikalawang heartbreak. Bumalik sya sa una nyang minahal hindi dahil sa mahal nya din ito gaya ng pagmamahal nya sa pangalawa nyang naging girlfriend kundi dahil kahit pa...
