Chapter 28: Wrong move

393 49 0
                                    

Chapter 28


Wrong move


[ Angela's Pov ]


Kung nakakamatay lang ang tingin, sigurado akong pinaglalamayan na ako dahil sa talim ng titig sa'kin ni Jenny ngayon. Hindi naman na yon nakakagulat dahil ganun naman talaga ang ginagawa niya kapag naglilihim ako sa kaniya.


Napabuntong hininga nalang ako. Dapat siguro talaga ay ikuwento ko na sa kaniya ang nangyari. She's my bestfriend after all.



"Tara na nga.", aya ko sa kaniya. Nagpatiuna ako at pumunta sa cottage. Naramdaman ko naman na nakasunod lang siya sa'kin.



Nang makarating sa cottage ay humarap ako sa kaniya na binibigyan ako ng now-tell-me-what-happened look. Sa muling pagkakataon ay huminga ako ng malalim bago ikinuwento ang nangyari sa paghabol ko kay Kenneth kanina. Hindi ko na nga lang ikinuwento yung tungkol sa sikreto ni Kenneth na kabourophobic siya at pati dun sa.. d-un sa k-iss na aksidente lang namang nangyari.


"Ah! So pinasan ka lang niya dahil sa napagod ka?", tanong niya. Tumango lang ako.


"Hmf! Kala ko pa naman may romantic scene na na nangyari! You know what I mean right? Like naghabulan kayo, then he tripped and fell tapos you fell din over him and then boom! Mwamwa tsuptsup!", puno ng excitement na saad ni Jenny. Pakiramdam ko sobrang pula na ng mukha ko sa pagkakasabi niya ng kung anumang nagpeplay sa isip niya na scenario. Naku Jenny! Kung alam mo lang! Tama ang mga iniisip mo!



Nahigit ko ang paghinga ko nung tumingin sa'kin si Jenny. Akala ko katapusan ko na! Akala ko mabubuko niya na ang totoong nangyari! Buti nalang lumihis yung tingin niya sa'kin sa kung anumang nasa likod ko. Nanliit ang mata niya na ipinagtaka ko.


"Wait.. Si Nic ba yun?", tanong niya nang hindi inaalis ang tingin sa likuran ko.



Mabilis akong tumalikod sa kaniya para makita ko kung si Dominic nga yung nakita niya. Napangiti ako nang makumpirmang si Dominic nga yung lalaking nakabeach shorts at white sando na nakatayo sa tabing dagat! Walang sabi-sabing tumakbo ako papalapit sa kaniya. Narinig niya siguro ang pagtawag ni Jenny sa pangalan ko kaya lumingon siya sa direksyon ko. Nakita ko ang gulat niyang reaksyon ng makita ako pero mabilis iyong nagbago at napalitan ng pagkabahala. Hanggang sa maramdaman ko nalang na may bagay na tumama sa ulo ko na naging dahilan para bumagsak ako sa buhangin.


Hinawakan ko ang ulo ko. Grabe ang sakit! Ba't kasi may nagvovolleyball gayong gabi naman na sana?!


Naramdaman ko ang paglapit ni Dominic sa'kin. "Angel, okey ka lang ba? Anong masakit? Gusto mo bang dalhin kita sa clinic ng barangay?", tanong niya. Alam ko na sobra sobra ang pag-aalala niya sa'kin ngayon pero ewan ko ba kung bakit sinabi ko ang mga salitang ito sa kaniya...


"Sino ka?"


"H-ha?"

That Girl is DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon