Chapter 18
His condition
[ Khen's Pov ]
Hindi ko pa nakakausap si Dominic hanggang ngayon dahil nakikipagmatigasan parin siya sa'kin, at ako sa kaniya. Hindi ko na rin makausap ng matino si Jake dahil sa nangyari nung nag-arcade kami. Yun ang ayaw ko kay Jake eh. Ayaw niyang nakikita namin siyang natatalo. Maituturing na pagkatalo yung nangyari sa arcade nung isang araw dahil yung itinuturing niyang premyo na si Kashmir, I suppose, ay nakuha na ng iba. Yun ang tingin ni Jek dun, when in fact, magbestfriends kuno lang yung dalawa.
"P're paabot nga nung shirt.", sabi ni Symon habang inaayos ang sintas ng sapatos niya.
Dinampot ko yung p.e shirt niya na nakapatong lang sa inuupuan ko. Ibinato ko lang iyon sa kanya dahil hindi naman kalayuan ang kinaroroonan n'ya sa kinaroroonan ko.
Isinuot ko ang shirt ko bago lumapit sa kaniya. Isinampa ko ang paa ko sa inuupuan n'ya at yumuko para ayusin ang sintas ng sapatos ko.
"Ba't kasi hindi magpakasport yung isang yun. Hindi naman ganun yun dati eh.", sabi ni Symon. He was pertaining to Jek.
Umiling ako sa sinabi n'ya. "Soon you'll be able to understand what he was going through. Hindi mo pa kasi nararanasan ang heartbreak kaya hindi mo makuha yung trip nung isang yun.", iritado kong sabi.
"Woah! Relax lang p're. Ang bilis mo naman! Heartbreak agad? Eh hindi pa nga nagiging sila ni Kash!", ani ni Symon bago tumawa. Psh!
Nasa bleachers na kaming lahat ng mga kaklase ko at nagsisimula na ring mag-attendance si Sir Sison, ang P.E teacher namin. Napansin ko na hindi mapakali si Angela kaya tinanong ko siya kung may problema.
"Ah. Ano.. Si Dominic kasi...", paputul-putol niyang sabi na parang nag-aalangan pang sabihin sa'kin ang bagay na iyon..
Nang dahil sa kuryosidad ay nilingon ko ang mga kaklase ko at hinanap si Nic pero hindi ko siya nakita.
Napakunot-noo ako.
Nasa'n naman kaya yung isang yun?
Kinuwit ko si Symon at itinanong kung nasa'n si Nic. Himbis na sumagot ay ngumuso siya sa direksyon ng pintuan kaya napalingon ako roon.
"Sorry Sir if I am late.", aniya sa guro naming nasa harapan. Tinanguan lamang siya nito.
Lumapit siya kila Symon at Jek para makipagbro fist. As usual, nilagpasan niya 'ko. Psh!
BINABASA MO ANG
That Girl is Different
TeenfikceFirst love never dies. Yan ang napatunayan ni Kenneth Fuertes nang maranasan ang ikalawang heartbreak. Bumalik sya sa una nyang minahal hindi dahil sa mahal nya din ito gaya ng pagmamahal nya sa pangalawa nyang naging girlfriend kundi dahil kahit pa...