Chapter 43

76 5 0
                                        


Chapter 43


[ Angela's Pov ]


Nagising ako sa ingay na naririnig sa loob ng kwarto ko. Kinusot ko ang mga mata ko bago bumangon para malaman kung bakit maingay pero sa pagmulat ng mga mata ko ay napatulala nalang ako nang mapansing wala ako sa kwarto ko kundi nasa pamilyar na puting kwarto.


"Hanggang kailan mo itatago sa'min 'to Angela?!", galit na tanong ni Papa. Nasa gilid niya si Mama na nakahawak sa kaniyang braso.


Napatingin ako sa braso ko na may nakakabit na dextrose. Pinilit kong alalahanin ang nangyari kagabi pero wala akong ibang maalala kundi yung pag-alis ni Kenneth. Paano.. Bakit nandito ako?


"Papa--"


"Pa, labas muna kayo.", sabi ni Kuya na nakaupo. Nasa batok niya ang kamay habang nakayuko.


Minasahe ni Papa ang sentido bago tumango. "Kausapin mo yang kapatid mo Jeremy.", aniya bago lumabas ng kwarto kasama si Mama.


Bumukas at sumara ang pinto pero nanatiling tahimik si Kuya.


"Akala ko ako lang ang magaling magtago, ikaw rin pala.", napakunot noo ako sa sinabi ni Kuya. Anong ibig niyang sabihin?


"Yung itinatago ko, nakamamatay pero yung sa'yo, literal na nakamamatay.", aniya pa.


"Ano bang sinasabi mo Kuya?"


"Kailangan mo nang maoperarahan kundi mamamatay ka.", ani ni Kuya na parang walang kabigatan ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. Ganunpaman, hindi ko maiwasan ang mapaisip.


Wala naman akong nararamdamang mali sa katawan ko. I take my meds regularly, anong malala?


"Malala na topak mo sa Fuertes na 'yon Gel.", sabi ni Kuya na tila nabasa ang nasa isip ko.


May kinuha siya sa bulsa niya saka ipinatong iyon sa ibabaw ng kama. Dun ko lang narealize na cellphone ko pala iyon.


Kinuha ko ito at nagulat nang makitang maraming missed calls at texts na galing kay Kenneth!


Binuksan ko yung isa pero hindi ko maintindihan kung bakit ganun yung text niya.



From: Kenneth

Answer my call Angela. Talk to me. Ayusin natin 'to okey?



"Kuya! Ano bang tinext mo kay Kenneth!", tanong ko.


"Last na yung kahapon diba? Ako na ang bahala sa'yo ngayon?", napalunok ako nang maintindihan ang sinasabi niya.

That Girl is DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon