Chapter 39
Break up
[ Angela's Pov ]
Ipinagpasalamat ko sa Diyos ang hindi pagpiyok ng boses ko kahit pa pakiramdam ko ay may bara sa aking lalamunan dahil sa pinipigilang luha na nagbabadyang bumuhos. Masakit. Masakit na makita siyang may kasamang iba pero mas masakit na yung kasama niya ay matalik na kaibigan mo pa.
Mula sa salamin sa harapan ko ay bumungad ang nag-aalalang mga mata ni Jenny sa'kin. Pinilit kong ngumiti. Pang-ilang beses ko na ba itong ginagawa? Ang pagpeke ng ngiti? Maraming beses na! Dapat ay sanay na ako pero bakit...bakit nagtuluy-tuloy sa pagbagsak ang luha ko?
"Tears of joy best. Nakakatuwa dahil nagustuhan nila ang pagkanta ko.", pagsisinungaling ko na hindi binili ni Jenny.
Lumapit siya sa'kin hindi para yakapin ako. Dahil alam niyang masama akong yakapin kapag umiiyak. Lalo pa at nasasaktan ng ganito ang puso ko.
Kinuha niya ang kamay ko at pinisil iyon. "Makipagbreak ka na best. Sorry sa sasabihin ko pero tanga talaga siya. Nakakainis lang. Sa inyong dalawa ni Eryel ikaw 'tong nagmumukhang-- kumbaga sa mag-asawa ay kabit.", nakasimangot siya. Gusto kong tumawa sa itsura niya pero hindi ko magawa. Marahas na bumukas ang pintuan at sabay kaming napalingon dun. Halos mapatalon ako nang malamang si Kenneth ang pumasok kaya umiwas ako ng tingin at itinago ang mga mata ko. Kaya lang, sa pag-iwas ko ay siyang lingon naman ng repleksyon ko sa kaniya mula sa salamin.
"Maiwan ko muna kayo.", ani Jenny bago tuluyang tinahak ang pintuan at lumabas.
"Angela, I miss you.", rinig kong sabi ni Kenneth na sapat nang maging dahilan para magbreakdown ako. God, sobrang miss ko rin siya. Miss na miss pero hindi ko magawang sabihin. Ayokong maging dahilan iyon para hindi matuloy ang pagbawing sinasabi niya. Pagbawi niya kay Eryel.
Lumapit siya sa'kin. Umatras ako ngunit hindi siya tumigil at tuluyan akong niyakap. Nagtaas-baba ang balikat ko nang dahil doon. Ibinalik ko ang yakap niya ngunit binawi rin iyon at pilit na kumawala sa yakap.
No. Kahit gaano ko pa kagusto ang makulong sa mga bisig niya ay hindi dapat magkaganito. Nasa labas lang si Eryel! Natatakot ako na baka makita niya kami sa ganitong eksena. Ayoko. Ayokong..ayokong mauwi sa wala ang pagtitiis ko.
"Kenneth. Bitiwan mo ako.", nanginginig ang mga labi ko sa sinabi kong taliwas naman sa gusto ko.
"Please, tell me you still love me. Kailangan kong marinig iyon.", aniya bago ko naramdaman ang labi niya sa ibabaw ng buhok ko.
"Mahal kita Kenneth. Hindi naman nagbago.", sabi ko. Naramdaman ko ang pagluwag ng yakap niya hanggang sa dumausdos ang kamay niya sa kamay ko.
"Mahal din kita. Mahal na mahal--"
"Umalis ka na. Baka hinihintay ka na ni Eryel sa labas.", pilit akong ngumiti.
Hinalikan niya ako ng mabilis sa labi bago tuluyang lumabas ng kwarto. At sa paglabas niyang iyon ay ang paglambot ng tuhod ko.
Sumalampak ako sa sahig at niyakap ang tuhod ko.
Ang sakit sakit Kenneth. Kung alam mo lang. Masakit pero kung gusto mo talagang bumawi sa kaniya. Okey lang, naiintindihan ko.
---
Humarap ako sa salamin at hindi na nagulat nang makita ang namumugto kong mga mata. Sanay na ako. Sa gabi-gabi nalamang ba ay naging ritual ko na ang pag-iyak sa unan ko. Maging si Mama ay hindi narin nagugulat sa tuwing humaharap ako sa kaniya nang tila kinagat ng ipis ang mata ko sa pamamaga. Si Kuya lang talaga ang hindi masanay sanay. Sinubukan kong ipaintindi sa kaniya ang sitwasyon pero hindi niya talaga maintindihan ang pinupunto ko. Buti pa si Mama na kahit na ayaw ang ginagawa ko ay hinahayaan lang ako sa naging desisyon ko. Siya lang talaga ang nakakaunawa. Si Papa naman ay tinataguan ko tuwing umuuwi siya rito. Salamat kay Mama na pinagtatakpan ako kada tinatanong ni Papa kung bakit hindi ako lumalabas ng kwarto.
Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon at inalam kung sino ang nagtext. Napangiti ako nang malamang si Kenneth iyon.
"Good morning Manang."
I greeted him back bago lumabas ng kwarto.
Nakasabay ko sa pagbaba sa hagdan ang kapatid ko. Sinikap kong wag siyang lingunin dahil alam kong nakataas nanaman ang kilay niya sa itsura ko. Kung pwede lang siguro magsuot ng shades ay ginawa ko na para maitago ang pamumugto ng mata ko.
"Makipagbreak ka na Angela.", rinig kong sabi ni Kuya na muntik nang makapagpatapilok sa akin.
Kumunot ang noo ko bago tumingin sa kaniya. "Hindi. Hindi ako makikipagbreak Kuya. Intindihin mo naman ang sitwasyon ko, namin."
Malamig niya akong tinignan.
"Break up with him or I'll break him the other way. Think about it Gel."
Napahawak ako sa railings ng hagdan bago pinanuod ang palayong si Kuya.
Pangalawang beses ko nang naririnig ang break na yan. Yun na nga lang ba talaga ang natitira para sa'kin? Hanggang dito nalang ba ang sa'min?
Dahil sa mga ideyang tumatakbo sa isip ko ay hindi ko maiwasang mapailing. Hindi. Hindi ako makikipaghiwalay. Hindi ko kaya.
BINABASA MO ANG
That Girl is Different
Roman pour AdolescentsFirst love never dies. Yan ang napatunayan ni Kenneth Fuertes nang maranasan ang ikalawang heartbreak. Bumalik sya sa una nyang minahal hindi dahil sa mahal nya din ito gaya ng pagmamahal nya sa pangalawa nyang naging girlfriend kundi dahil kahit pa...
