Chapter 24
Practice
[ Khen's Pov]
Natapos ang klase namin ng tahimik. Kaunti lamang kasi kami ngayon sa klase ni Mrs. Infante dahil pinagpraktis niya na yung mga kasali sa presentation na gaganapin sa Year End Party.
"Hindi ko na kayo imemeet mamayang hapon para mapanuod niyo yung pinapraktis ng mga kaklase niyo.", ani niya bago kami dinismiss.
Tumayo ako saka tinawagan ang driver para sunduin ako. Ilang araw na akong sa bahay naglulunch dahil mga busy sa play ang mga kasabayan ko. I was feeling sht dahil ako lang sa tropa ang hindi nakasali sa play. Psh!
Napatigil ako sa paglalakad nang tawagin ako ni Mam Infante. Kinausap niya ako at sinabing tumulong daw ako sa play ng mga kaklase ko. I couldn't say no. Ako ang class president at marapat lang na gawin ko ang ipinapagawa niya.
Kahit na may kutob ako na baka himbis na makatulong ay makagulo lamang ako.
- - -
[ Angela's Pov ]
Napatakip ako sa mukha ko nang lapitan ako ni Jenny. Tinutukso niya ako dahil sa naging dance presentation namin ni Dominic kanina. Nakakahiya! Ang lakas-lakas ng boses niya! Naririnig kaya ng mga kaklase ko!
"Bakit Jennica, sila na ba?", nakangiting tanong ni Leira, yung sgt at arms namin.
Impit na tumawa si Jenny. "Hindi pa, pero malapit na!", ani niya kaya nahihiyang tinignan ko si Leira na ngayon ay nakangiti na sa gawi ko.
"Leira...hi..hi--"
"Naku Angela! Kung ganyan kagwapo ang boyfriend mo, wag mo itatanggi! Nakakaloka 'to!"
"Hin--"
"Classmates! Si Angela at Dominic na!"
Nanlaki ang mata ko nang inanunsiyo ni Leira ang tungkol sa'min ni Dominic. Pulang pula ang mukha ko nung iwinagayway ko ang dalawa kong kamay habang umiiling. Sa ginawang iyon ni Leira, pakiramdam ko nakagawa ako ng isang eskandalo. Nakakahiya ng sobra! Buti nalang wala sila Dominic dito!
Nakakainis si Jenny! Kung sinu-sinong sinasabing boyfriend ko! Nung una si Kenneth, si Dominic naman ngayon?!
"Sabi na nga ba kayo na eh!"
BINABASA MO ANG
That Girl is Different
Teen FictionFirst love never dies. Yan ang napatunayan ni Kenneth Fuertes nang maranasan ang ikalawang heartbreak. Bumalik sya sa una nyang minahal hindi dahil sa mahal nya din ito gaya ng pagmamahal nya sa pangalawa nyang naging girlfriend kundi dahil kahit pa...
