Chapter 17
"You barely touch your food. Got a problem with it?", tanong ko kay Angela nang mapansing paminsan-minsan lamang siya bumabawas sa pagkaing nasa plate niya.
"Ahm...wa-wala naman.", sagot niya saka mabilis na sumubo ng pagkain sa plate niya.
Kumunot ang noo ko saka napalingon sa table nila Jake at Symon. Nakita kong naiilang si Kashmir sa table kasama si Jek habang yung sa kabila naman ay parang wala namang hiyaang nagaganap. Tss. Sabi na nga ba't maling ideya ang pumayag ako na rito sa Luna's kumain eh. Dahil bukod sa tables nila na good for two lang, yung ambiance pa ng lugar na sobrang romantic. Shit! Nakakailang nga talaga 'to para sa dalawang babaeng kasama namin ni Jek.
"Naiilang ka?", diretsahan kong tanong. Halos mabilaukan si Angela nang marinig ang tanong ko kaya iniabot ko yung tubig ko sa kanya na tinanggihan naman niya. Kinuha niya ang baso n'ya na kalahati nalang ang laman.
"Sorry.", ani n'ya. "Ano na nga ulit yung tanong mo?"
"Kung naiilang ka kako?", tanong ko ulit. Tumango s'ya.
Nilingon ko muli sila Jek na ganun parin ang sitwasyon sa'min ni Angela.
"Wait here.", sabi ko saka akmang tatayo na sana nang pigilan nya ako.
"Teka! Saan ka pupunta?"
"Sa table nila Jek. Makikipagpalit kay Kash.", sagot ko sa tanong n'ya.
Tumingin si Angela sa table nila Jek. "Hindi na. Ok lang ako. Saka tignan mo si Jek, nag-eenjoy sa company ni Kashmir. Hayaan mo na yung dalawa dun.", sabi n'ya na ikinangisi ko.
I was surprised na nakaya kong makipag-usap kay Angela ng matagal. Ang mas nakakagulat pa ay hindi kami nauubusan ng topic na pagkukwentuhan. We talked about silly things and such, may mapag-usapan lang.
"Hala! Nasa'n na sila?!", halos pasigaw na tanong ni Angela nang madako ang tingin n'ya sa kaninang table nila Symon at Jek na ngayon ay may iba nang nakapuwesto.
"Damn it! Pinagtripan tayo.", ani ko saka napailing.
Napansin kong napangiwi si Angela.
"What?", takang tanong ko sa naging ekspresyon nito.
"Mura ka kasi nang mura.", ani n'ya bago ngumuso.
Kumunot ang noo ko nang marinig iyon kay Angela. So she wants me to stop cursing now?
Iwinagayway ni Angela ang kamay n'ya sa hangin. "Pero hindi ko sinasabing tumigil ka sa pagmumura ha!" Ano lang! Ah-- Wala lang. Hehe.", sabi n'ya saka yumuko.
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa inasta n'ya. Para kasing bata!
"Sabi na nga ba't nandito lang kayo.", sabi ko nang makita ang apat sa loob ng arcade. Alanganing ngumiti si Symon habang nakangisi naman si Jek. Mabilis na lumapit si Angela kay Jennica at pinagsusundot ang tagiliran nito.
"Mukha kasing sobrang nag-eenjoy kayo kanina kaya hindi na namin kayo inabala.", sabi ni Jennica habang natatawang sinasangga ang kiliti ni Angela sa kanya.
"What now?"
Nagkibit-balikat si Symon bago tumingin kay Jek na kasalukuyang nakatingin sa Thunder Dx. Psh!
"Kayo nalang. Tinatamad ako.", sabi ko nang makita ang pag-aaya sa kanilang mga mata.
"Yan ganyan.", ani ni Symon. Umirap ako.
"Palibhasa kasi nakalaro ka na kanina eh! Angela, nasaan na nga pala yung spongebob na blue na pinaghirapan ni Kenneth makuha dun?", sabi ni Jek saka itinuro yung machine na nilaro ko kanina para makuha yung sponge na yun.
"Fck you Jek. Quit it!", angil ko.
Magsasalita pa sana si Jek nang mapatigil nang magsalita sa Kashmir.
"Guys uwi na 'ko. Andyan na kasi yung sundo 'ko eh."
Napatingin kaming lahat sa kanya na nakatingin sa labas ng arcade. Napatingin din kami sa tinitignan n'ya. Nakarinig ako ng mura galing kay Jek nang makilala n'ya kung sino yung lalaking 'sundo' ni Kash.
"Diba si Enrico yun Bes?", tanong ni Jennica kay Angela.
"Oo. Siya nga."
Napatingin kami sa dalawa na tila nagpanic nang mapansing nasa kanila na ang atensyon naming tatlo.
"Tara uwi. The fun is already over!", ani ni Jek na nauna nang lumabas ng arcade.
Narinig kong napabuntong hininga si Symon bago umakbay sa'kin. "Bago 'to p're. Ngayon lang ako naawa sa isang iyon.", sabi niya bago bumalik sa tabi ni Jennica.
* * * * * * * * * *
Enrico Avila ----->
BINABASA MO ANG
That Girl is Different
Teen FictionFirst love never dies. Yan ang napatunayan ni Kenneth Fuertes nang maranasan ang ikalawang heartbreak. Bumalik sya sa una nyang minahal hindi dahil sa mahal nya din ito gaya ng pagmamahal nya sa pangalawa nyang naging girlfriend kundi dahil kahit pa...
