Chapter 31
[ Khen's Pov ]
"Sigurado ka bang ayos ka lang?"
Ilang beses ko nang naitatanong yun kay Angela nung makita kong hindi siya mapakali sa pwesto niya. Pinipisil niya pa bahagya ang mga kamay niya dahil sa kaba. Kinuha ko ito at inoccupy ang mga gap sa pagitan ng mga daliri namin.
"Wag kang mag-alala. Mabait naman ang Tito at Tita pati mga pinsan ko. Lalo na sila Lolo at Lola!", biro ko. Natawa lang ako ng ngumuso siya.
"Kung makapagsalita ka naman! Parang relatives mo sila ah?"
Napailing ako. "Yun na nga eh! Kung kabahan ka parang ikaw yung ipapakilala ko sa mismong kamag-anak mo."
"Kasi—", bumuntong hininga siya. "First time ko kasing magpakilala ng kaibigan sa kanila...Uh— I mean.. Suitor ko..", nahihiya niyang sabi.
Naputol ang pag-uusap namin nung huminto ang kotse. Nilingon kami ng driver nila Angela at sinabing nakarating na raw kami. Muli kong tinignan si Angela na kasalukuyang nag-iinhale exhale ng hangin. Natawa ako bago lumabas ng kotse at mabilis na pumunta sa kabila para pagbuksan siya.
"Tama na yan. Tara na! Ipapakilala mo pa 'ko sa relatives mo!", nasa boses ko ang excitement na sinadya kong ipaalam kay Angela kaya naman tinignan niya ako ng masama. Natawa lang ako.
I must say na mayaman talaga ang angkan nila Angela. Kita naman sa laki ng bahay ng tito niya. Malawak ang lupain nito. Siguro kung lilibutin ko 'to ay aabutin ako ng siyam siyam.
Nagawi ang tingin ko sa dalawang taong nag-uusap sa doorway. Naningkit pa lalo ang mga mata ko nang makilala kung sino ang kasama ng lalaking yun.
"Anong ginagawa rito ni Kash?", tanong ko kay Angela.
Nagkibit-balikat siya. "Maybe Enri invited her. Magkaibigan naman kasi sila."
Napakunot-noo ako. Hanggang sa makita ko nalang ang sarili ko na hila-hila ni Angela papunta sa dalawa.
"Enri!" Tawag niya rito. Enri laughed in surprise bago humalik sa pisngi ni Angela.
Pch. Kung hindi lang pinsan ni Angela 'to baka tumaob na siya rito.
"Enri si Kenneth nga pala. Kenneth, si Enri, pinsan ko."
Enri offered his hand and I accepted it. Ang pormal!
"Boyfriend mo Gel?", tanong pa niya. Kung makatanong parang wala ako rito ah?
"Ah— hehe. Suitor ko.", nahihiyang sabi ni Angela. Napangiti lang ako nang makita ang pamumula ng pisngi niya. Pagbigyan, first time eh.
BINABASA MO ANG
That Girl is Different
Novela JuvenilFirst love never dies. Yan ang napatunayan ni Kenneth Fuertes nang maranasan ang ikalawang heartbreak. Bumalik sya sa una nyang minahal hindi dahil sa mahal nya din ito gaya ng pagmamahal nya sa pangalawa nyang naging girlfriend kundi dahil kahit pa...
