Chapter 8: Explode

691 66 26
                                        

Chapter 8

 

Revised & Edited

Explode

 [ Angela's Pov ]

"Kahit ilang beses kang magpacute sa camera, hindi magbabago ang katotohan na ang manang mo parin."

"Kahit ilang beses kang magpacute sa camera, hindi magbabago ang katotohan na ang manang mo parin."

"Kahit ilang beses kang magpacute sa camera, hindi magbabago ang katotohan na ang manang mo parin."

Napabuntong hininga ako nang maalala ang huling sinabi ng babalu na yun sa'kin. May tatlong araw na rin ang nakalilipas pero hanggang ngayon ay hindi parin ako makamove on sa sinabi n'yang iyon. Alam ko naman na hindi ako ganun kaganda. Hindi ako palaayos sa sarili ko. Ni wala nga akong kaarte arte sa katawan eh. Oo na, pangit na nga kung pangit! Tanggap ko naman eh! Pero kapag siya ang nagsasabi sa'kin nun, bakit. Bakit ang sakit?

"Oh? Iniisip mo yung Dominic?"

Nagulat ako nang makita si Kuya na pumasok sa kwarto ko at tinanong ako ng ganun. Mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama ay sumalampak ako sa sahig nang dahil sa sobrang pagkagulat sa presensya niya.

"Kuya naman! Kakatok ka nga muna bago ka pumasok sa kwarto ko!", ani ko sa kanya pero parang wala lang s'yang narinig dahil tuluy-tuloy syang nagtungo sa veranda at naupo doon.

"Kayo na ba ni Dominic?", tanong niya.

"K-kuya! Hindi ah!"

"Nagtatanong lang. Bakit ganyan ka makareact?"

"Kasi. Kasi. Parang all of a sudden naman yung tanong mo eh!"

"At ba't ka namumula?", tanong ni Kuya Ji na ikinakunot ng noo ko.

Namumula? As in blushing? Am I blushing?

Napahawak ako sa pisngi ko at natigilan nang maramdamang mainit nga iyon. Diba mainit ang pakiramdam kapag nagbablush ka? So eto na nga ba yon? Nagbablush nga ba ako?

Napakurap ako nang marinig ang pagtikhim ni Kuya kaya naman bumalik ang atensyon ko sa kanya.

"Ang pangit mo talaga.", ani nya bago tumayo at tuluyang umalis sa kwarto ko.

That Girl is DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon