Chapter 2: Tease

874 78 32
                                        

Chapter 2

Revised & Edited

Tease

[Khen's Pov]

Iling lang ang isinagot ko sa mga mapanuksong tanong ni Symon. Ang gago lang talaga. Sabihin ba namang type ko yung babae na nakabanggaan ko sa mall noon? Tss. Asa.

"Anong meron?"

Sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Sabay-sabay din kaming nagsipagtayuan para salubungin ang taong nagsalita.

"Uy! Ba't ngayon ka lang nagpakita pre! I miss you so much!", ani ni Symon kaya saglit kaming huminto para batukan s'ya.

"Ang bakla mo dude.", ani ni Jek.

"Haha. Hindi ka parin nagbabago Mon. Bakla ka parin.", tukso ni Nic kay Symon.

Tumikhim si Symon at akmang kokontrahin sana ang sinabi ni Dominic pero hinarang agad ng palad ni Jek ang mukha ni Symon bago bahagya itong itinulak palayo.

"Dominic! San ka ba nagpunta?! Ang hilig mo talagang umalis ng walang pasabi!", ani ni Jek na nakapagpangiti sakin. Tignan mo nga naman. Parang batang nagtatantrums lang ang chickboy na yun. Tss.

"What? Namiss mo rin ako? I, too Dude. I, too!", ani niya bago ngumisi at nakipagbrofist kay Jek bago bumaling sakin.

"Bro.", sabi n'ya. Tumango lang ako sa kanya.

"Ikaw nalang ang hinihintay. Tara na.", ani ko saka nagpaalam kay Mommy bago umalis.

- - -

We arrived 8 am sharp. Late ng 30 minutes pero ayos lang naman. First day palang naman eh, isa sa mga araw na tinatakasan ko.

Naunang naglakad papasok ng school si Jake at Symon habang kasabay ko naman si Dominic na maglakad. We were all in silent until we came in the third floor.

"Sorry for being late Miss.", ani ni Jek sa teacher na nasa harapan.

Magkakasunod kaming pumasok bago humanap ng bakanteng upuan.

"Uy Jek. Diba pinadalhan mo ng isang bouquet ng rosas si Miss Lee nung bakasyon? Ano na nga palang nangyari nun?", usisa agad ni Symon kay Jek pagkaupo namin. Dinig ng mga kaklase namin na nasa ikatlo at ikaapat na linya ang sinabi nya pero yung nasa harapan, mukhang hindi dahil wala namang lumingon.

That Girl is DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon